Mga pamantasan sa GL kapitbisig sa kalikasan

    342
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS – Kumilos na ang mga pamanatasan sa Gitnang Luzon para sa pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng isang summit sa isasagawa dito sa Mayo 15 – 17.

    Ang summit na may temang “Ora Mismo” the force of the academe in the care, protection of the environment ay isasagawa sa Barasoain Center for Innovative Education (BarCIE) sa bakuran ng La Consolacion University of the Philippines (LaCUP) sa lungsod na ito.

    Ito ay sa pangunguna ng Sentro ng Edukasyon Para sa Ekonomiya at Kalikasan (SEEK) of the Bulacan State University (BulSU) at pakikipag-ugnayan ng Saint Augustine International Institute for Justice and Peace (SAIIJ) ng LaCUP.

    Inaasahang aabot sa mahigit 100 katao ang lalahok sa nasabing pagtitipon. Ang mga kalahok ay magmumula sa ibat-ibang paaralan, pamahalaang lokal at iba pang samahan sa Gitnang Luzon.

    Ito ay dahil na rin sa paglalabas ng mga pangrehiyong tanggapan ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at Department of Interior and Local Government (DILG) ng magkakahiwalay na mga memorandum na humihikayat sa mga guro at mga opisyal ng pamahalaang lokal na lumahok sa nasabing pagtitipon.

    Ayon kay Marwin Dela Cruz, direktor ng SEEK, layunin ng summit na mabuksan ang daan para sa mga guro at opisyal ng mga paaralan upang makabuo ng mga malinaw na programa at hakbang sa pangangalaga ng kalikasan.

     “We also want to organize a strong and united academe that will initiate course of action on issues of environment and sustainability,” ani Dela Cruz.

    Iginiit pa niya na,” it is about time for the academe to make its stand on the issue of the environment because we have been silent for a long time.

    Isa sa inaasahang magiging bunga ng serye ng summit na isasagawa ay ang integrasyon ng kaalamang mapupulot dito sa mga araling sa mga paaralan.

    “If we can integrate environmental protection and conservation to our courses and curriculum, we can mitigate disasters and easily adapt to the threats of climate change,” ani Dela Cruz.

    Ang Oras Mismo ay pangungunahan ni Dr. Patricia Licuanan ng CHED kasama sina Monsignor Pablo David ng Diyosesis ng San Fernando, Pampanga; Direktor Lormelyn Claudio ng Environmental Management Bureau (EMB).

    Kasama rin sa mga panauhing tagapagsalita sina Dr. Catalino Rivera ng Lyceum of Northwestern University, Dr. Reynaldo Cruz ng LaCUP, Dr. Nilo Francisco ng Centro Escolar University, Rodney Galicha ng Al Gore’s The Climate Reality Project, Bro, Martin Francisco ng Sagip Sierra Madre Environmental Society, at Dr. Reynaldo Naguit ng BulSU. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here