Home Headlines Mga paaralan hindi nakapag face-to-face classes sa unang araw ng pasukan

Mga paaralan hindi nakapag face-to-face classes sa unang araw ng pasukan

327
0
SHARE
Ang Sto. Rosario Integrated School na ngayon pa lang naglilinis ng mga silid-aralan na lumubog sa baha. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS — Hindi pa nakapag face-to-face classes ang maraming paaralan sa lungsod ngayong unang araw ng pasukan ngayong Lunes, July 29, dahil sa naging epekto ng nakaraang pagbaha na dala ng habagat at Bagyong Carina.

Ayon sa Department of Education-Malolos City, nasa sampung eskwelahan lang ang nakapag-face-to-face classes habang ang karamihan ay nag-blended learning na lang muna.

May mga paaralan kasi na ngayon pa lang nakakapaglinis ng mga silid-aralan matapos na mabaha habang may mga paaralan pa na ginagamit sa evacuation center.

Bukas ay inaasahan na marami na ang makakabalik sa face-to-face classes ang lahat ng paaralan dito maliban sa ilan na itinakda na sa August 5 ang pagsisimula ng klase.

Samantala, isa ang Sto. Rosario Integrated School sa mga may nalubog na classrooms at ngayon pa lang nakakapaglinis 

Maging ang mga daraanan papasok ng silid-aralan ay madulas dahil sa putik at may mga baha pa din sa paligid kayat may mga pathway na inilagay para madaanan ng mga kukuha ng modules ngayong araw.

Aalamin pa ng pamunuan ng paaralan kung ligtas na at hindi na madulas ang paligid bago papasukin ang mga estudyante bukas.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here