Mga lalaki ni Kris Aquino buking ni Joy Belmonte

    386
    0
    SHARE
    Humarap sa press si Quezon City Vice Mayoralty candidate  na si Joy Belmonte. She is the daughter of the city’s current mayor na tatakbo namang congressman sa kanyang distrito this 2010. In his lieu, na ka-tandem ni Joy, ay si Herbert Bautista na nangunguna sa lahat ng survey sa Quezon City. Inilampaso niya ang lahat ng mga kalaban niya.

    Ang pagharap ni Joy sa press has something to do with her being mahina sa publiko. Kumbaga, she is still obscure kaya dapat talga siyang magkapublisidad. Dito nga pumasok si Mother Lily who professed this way.  “I love Joy, kahit ngayon pa lang kami nagkita.”

    Close nga ksi si Mother Lily Mother Lily Monteverde kay QC Mayor Sonny Belmonte.

    Kaya nga Regal producer ang nag-sponsor ng mala-presscon na tsikahan  with the showbiz press sa anak ni Mayor Sonny na si Joy. 

    Proud daw si Mother sa pagsasabing proud siya sa mga Belmonte at matagal na siyang admirer ni Mayor Sonny. 

    Present din sa pagtitipon para magbigay ng suporta sa first-time political candidate si current QC Vice Mayor Herbert Bautista, na tatakbo naman sa pagka-mayor sa Mayo, at si Miguel Belmonte, publisher ng isang leading broadsheet at kapatid ni Joy.

    Sa open forum, sinabi ni Joy na isa si Mother Lily sa kanyang mga iniidolo. Bago pa man daw siya na-involve sa mga NGO, hanga na siya sa pagiging empowered woman ng Regal produ.

    Baguhan man sa larangan ng elective position, nilinaw ni Joy na marami na siyang experience pagdating sa serbisyo publiko o paglilingkod sa kanyang mga kababayan.

    Kahit pa aral sa best schools, gaya ng Poveda at Ateneo, kung saan niya naging kaklase ang controversial TV host-actress na si Kris Aquino, mahaba-habang panahon din daw ang iginugol ni Joy sa pakikisalamuha sa mga taga-barrio. Nasubukan na raw niyang tumira sa isang barrio kung saan walang ilaw, tubig, atbp., kaya madali niyang naiintindihan ang mga pangangailangan ng mga kababayang kapus-palad.

    Nangako siyang ipagpapatuloy ang magagandang nasimulan ng ama para sa mga residente ng Quezon City at kung papalaring magwagi, nagkasundo raw sila ni Vice Mayor Herbert na maghahati sa responsibilidad para maging mas epektibong tandem.

    “Shared leadership” ang tawag ni Vice Mayor Herbert dito at oras na maluklok, ipauubaya raw niya kay Joy ang pagpapalago ng turismo’t kultura ng Quezon City.

    As for her friendship with Kris, sinabi ni Joy na seatmates sila ni Kris sa Ateneo, kaya alam niya kung sinu-sino ang mga idineyt nito noon.

    Pero hindi raw siya magbibigay ng pangalan o clue dahil “baka magalit siya sa akin, ’no!”

    Hindi rin siya nagbigay ng komento tungkol sa kinasasangkutang isyu ni Kris at ng asawang si James Yap over a girl named Mayen Austria.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here