Mga gimik sa showbiz tinototoo ng mga artista

    343
    0
    SHARE

    Noong araw, ang mga gimik ay hanggang gimik lang. They would make us believe na ganito yun pero it will turn out, hindi naman pala.

    Dami mga love teams nung araw na sinabing ganyan at ganito, hindi naman pala. Di ba, matagal yung love team na Eddie G at Susan R, hindi naman pala totoo. They ended up in someone else’s life.

    Yung Guy & Pip, kahit sinasabi pang naging sila nga, hindi naman talaga ganun kaseryoso, kumbaga, sinakyan lang talaga.

    Dami pa ganyan at ganito, puro gimik lang.

    Nowadays though, mas madaling kinagat at tinototoo ng mga artistang involved ang mga gimik.

     Parang kapit sa patalim ang ginagawa nila, kasi nga bukod sa matindi ang mga bonding talaga, ayan, higit na mapangahas ang mga bata ngayon.

    Tutal naman, andiyan ang lahat ng pagkakataon, sinasamantala nila’ng hanggang maging totoo ang gimik.

    True yan sa kaso ngayon nina Leandro Muñoz at Nadine Samonte. Gimik lang talaga ang simula noon to perk up the situation dahil magkatambal sila sa The Sisters.

    Pero bandang huli, sila nga pala and although, sabi ni Nadine, hindi pa sila, exclusively dating lang, yun na rin yun.

    That meana silang dalawa na, especially nga, very vocal si Nadine sa pakikipag-break niya sa mayamang BF na aniya ay tamad at walang drive sa buhay. Tingin ni Nadine, walang mangyayari sa buhay nila dahil nga tamad si Emerson Chua.

    E si Leandro raw, masipag, at kagaya niya kung mag-isip. Sa future raw sila naka-foucs kaya bagay sila.

    At walang paki si Nadine kung may anak man at asawa si Leandro, hiwalay naman daw ito at okey lang sa kanya.

    So there!

    Heto pang isang gimik na hindi natin alam, baka totoo na. If that is the case, si Danita Paner ang kawawa.

    She will be made to appear, walang kuwentang girlfriend kaya iiwan ni JC De Vera. At sa true, girlfriend material din talaga si Jasmine Curtis na leading lady ni JC sa isang teleserye, kaya puwedeng yung gimik na kunwari, smitten siya, baka totohanin sa bandang huli.

    Heto na nga, sumakay kaya si Danita sa gimik na kuning kunig na affected na? Bukas makalawa ba ay may dahilan na talaga si Danita para magselos?

    At sabi nga namin, baka marami ng nangyayari na wala pala siyang kamalay-malay, nasa pangalan na lang pala siya girfriend ni JC. Baka hindi niya alam, may secret relationship na sila Jasmine Curtis at JC De Vera.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here