Mga datihang artista, nagbabalik

    412
    0
    SHARE
    Mukhang uso ngayon ang pagbabalik-showbiz ng maraming artista na matagal ding napahinga sa harap ng kamera.

    Aktibong muli sa kanyang showbiz career ang ina ni Diego Loyzaga na si Teresa Loyzaga na kahit may stable itong trabaho bilang international flight stewardess ng isang foreign airline at nakabase na rin sa Sydney, Australia, bumalik ito dahil sa challenging role na ipinagkatiwala sa kanya sa magtatapos na “Pasion de Amor” ng ABS-CBN.

    Ang dalawa pang nag-signify ng pagbabalik-showbiz ay sina Liz Alindogan at Kristel Romero na parehong namayagpag nung dekada otsenta. Balik-showbiz din ang dating Gracia ng “Eat Bulaga” na si Samantha Lopez na muling napapanood sa isang teleserye, ang “Bakit Manipis ang Ulap” ng TV5 and Viva TV na pinangungunahan nina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Meg Imperial at Cesar Montano mula sa direksiyon ng premyadong director na si Joel Lamangan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here