MULA ng muling i-recall ang mga deputation order at ID’s ng mga LTO deputize agents, aba eh, namamayagpag ang mga colorum at hindi mga rehistradong sasakyan sa ibat-ibang lugar sa Cental Luzon.
Alam po ninyo, ang dahilan libre na sila sa kalsada at walang nanghuhuli sa mga ito. Kaya maging ang ilang kapulisan natin ay pikit din ang kanilang mata dahil wala silang kakayahan para sitahin at hulihin ang mga ito.
Maging yung mga taga LTO deputize agents’ ay ganun na lamang ang kanilang pagkadismaya. Sa kabilang banda naman ay tuwang-tuwa naman ang mga tsuper sa kalsada dahil wala na daw mga BUWAYANG naglipana na siyang malimit na kanilang iniilagan sa araw-araw na pamamasada dahil ang ilan sa kanila na malimit mahuli ay may paglapag naman sa pinaiiral na batas ng LTO.
Nitong nakalalipas na buwan, nagpalabas ng isang memorandum si PHILIPPINE National Police Highway Patrol Group director Chief Supt. Orlando M. Mabutas at kanyang hinihiling ang publiko na makipagtulungan sa kanilang kampanya laban sa mga “car theft syndicates at mga criminal gangs” na siyang gumagamit ng fake license plates o di kaya mga expired commemorative plates para lamang makaiwas sa mga tumutugis na awtoridad.
Ang HPG daw ang LTO-deputized agents na inatasan para mangumpiska sa mga expired commemorative plates tulad ng ‘LTO, MAYOR, COUNCILOR, LAWYER, PLEB’ na siyang naglipana sa kalsada.
At sa mga unauthorized/improvised plate ay may kaukulang mulatang P300, samatalang sa expired commemorative plates may P2,000.00 multa.
Kabilang naman sa mga valid commemorative plates na ipinalabas ng LTO at kung kalian ito mag-expire ay ang mga sumusunod — PMA Alumni Association Inc., Aug. 31, 2009; Philippine Trial Lawyers Association, Inc., Sept. 30, 2009; Philippine Dental Association, Nov. 2, 2009; Araw Lodge #18 (100th Foundation Anniversary), Nov. 15, 2009; Diocese of Bacolod (75th Foundation Anniversary) , Nov. 30, 2009; Manuel S. Enverga University Foundation- Dec. 31, 2009; Ateneo de Manila (150th Foundation Anniversary)– Dec. 31, 2009; Department of Labor and Employment (75th Anniversary), Dec. 31, 2009; The Kiwanis Club of St. John – March 31, 2010; Christian Missionary Alliance Churches of the Philippines 50th General Assembly, April 30, 2010; Association of Chiefs of Police of the Philippines, Inc.- May 4, 2010; University of the Philippines Los Baños 100th Anniversary (Centennial), May 15, 2010; PNP Academy Alumni Association, June 30, 2010; Helicopter Pilot Association of the Philippines, June 30, 2010; Asian Institute of Management, July 30, 2010; and Chief PNP Cup National Shooting Championship, Aug. 30, 2010.
Aba! Wala naman daw ibinababang kautusan ang HPG at LTO sa kanilang mga provincial offices kung kaya hindi sila makakilos at maipatupad ng tama sa nasabing kautusan.
Ang tanong ng mga deputize agents, kaya ba silang sanggain ng kanilang mga Director? Karamihan sa mga masasagasaan sa nasabing kautusan ay pawang mga PULITIKO na pilosopo na may malakas na kapit na kayang-kayang mgapa-relieved ng sinuman.
Kapag nagkataon, kawawa naman ang naatasan manghuli sa mga ito. Dapat sigurong kayong mga DIRECTOR ang dapat na manguna para ipakita ninyo sa taumbayan na sincere kayo sa inyong trabaho, madali ang mag-utos, pero ang kawawa bandang huli ang inyong mga agents. Di ba mga sir?
Tama na sir ang pa-pogi, trabaho muna para paniwalaan kayo ng taumbayan at ipakita ninyo na walang sasantuhin maging sinuman ang tamaan, kung talagang TAPAT kayo sa pinaiiral na batas ng walang BUTAS.