Home Headlines Mga Bulakenyo, hinikayat na suportahan ang 18-Day VAW campaign

Mga Bulakenyo, hinikayat na suportahan ang 18-Day VAW campaign

579
0
SHARE

Si Bulacan Governor Daniel R. Fernando. (Bulacan PPAO File photo)


 

LUNGSOD NG MALOLOS — Hinihikayat ng pamahalaang panlalawigan ang lahat ng Bulakenyo na makiisa sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women o VAW mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12.

Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, matagal na umanong ipinaglalaban ang karapatan ng mga kababaihan at bata hindi dahil sa mahina sa pisikal, kung hindi lahat ng tao ay pantay-pantay sa karapatan.

Naglatag din ang Panlalawigan Komisyon ng Kababaihan sa Bulacan ng mga programa na sumusuporta sa nasabing panawagan.

Kabilang rito ang Seminar hinggil sa Republic Act 7877 o ang Anti-Sexual Harassment Act sa Nobyembre 26 kasama ang mga kawani ng pamahalaan panlalawigan; Seminar sa Republic Act 11313 o Safe Spaces Act para sa Konsehong Pambayan ng Kababaihan at publiko na magaganap sa pamamagitan ng FB Live Streaming sa Nobyembre 29.

Gayundin, magsasagawa sila ng online na legal consultation sa pamamagitan ng Seminar-Forum kasama si Atty. Anicia Marquez hinggil sa Anti-VAWC Law para sa mga kababaihan ng Bulacan sa Disyembre 1 at 3.

Kasabay ng Orange Day ang paggunita sa “National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children” alinsunod sa Republic Act 10398. (CLJD/VFC-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here