Home Headlines Mga binhi na matatag sa sobrang init, baha kailangan : Sen. Marcos

Mga binhi na matatag sa sobrang init, baha kailangan : Sen. Marcos

569
0
SHARE
Ibinabahagi ni Sen. Imee Marcos ang mga proyekto na ipinagawa ng kanyang ama, yumaong Pang. Ferdinand Marcos, Sr., sa Gapan at Nueva Ecija. Contributed photo.

GAPAN CITY – Umaapela si Sen. Imee Marcos sa Department of Agriculture (DA) na asikasuhin na ang produksyon ng mga binhi ng palay at gulay na matibay sa sobrang init upang maging handa sa tagtuyot.

Ginawa ni Marcos ang apela sa gitna ng pananalasa sa agrikultura ng El Nino phenomenon sa maraming bahagi ng bansa, kabilang ang ilang lugar sa Nueva Ecija at mga karatig lalawigan.

“May mga palay at gulay na nakakatagal nang walang dilig, walang tubig so sana meron sila (DA) no’n kasi nung huli ko’ng pagtanong wala pa silang nabibili. Eh yun ang kailangan ng ating mga magsasaka ngayon. ‘Yun talagang drought resistant,” saad ni Marcos sa panayam matapos mamahagi ng ayuda na tig-P3,000 bawat isa sa 1,000 recipient dito kamakalawa.

Bukod dito ay kailangan din aniyang magkaroon ng binhi na nakatatagal sa sobrang tubig bilang paghahanda naman sa panahon ng La Nina.

“Kasi ‘yan ang susunod e La NiƱa,” anang senador.

Binigyang-pansin din ni Marcos ang kahalagahan ng pagsasaayos ng imbakan ng tubig tulad ng mga dam, small water impounding projects (SWIP), at iba pa.

Samantala, nagpahayag naman ng kasiyahan si Gapan City Mayor Joy Pascual sa aniya’y kusa at tuloy-tuloy na pagtulong ni Marcos sa kanyang mga kababayan.

“Nangangahulugan na mahal niya ang mga Batang Gapan,” sabi ng alkalde.

Nang manalasa ang bagyong Karding, sabi ni Pascual, ay nauna si Marcos sa pagbibigay ng ayuda sa kanilang mga naapektuhan nilang kababayan.

Bukod sa lungsod na ito, namahagi rin ng ayuda si Marcos sa 1,000 residente ng Gen. Tinio, Nueva Ecija.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here