Home Headlines Mga bahay giba sa alon, 360 pamilya inilikas

Mga bahay giba sa alon, 360 pamilya inilikas

1218
0
SHARE

(Itinuturo ni Police Major Virgilio Carodan, hepe ng 302nd Maritime Police Station ang bahay na nasawak matapos hampasin nf malakas na alon sa Barangay Bangan, Botolan, Zambales. Kuha ni Johnny R. Reblando)

BOTOLAN, Zambales – May 360 pamilya sa Barangay Bangan sa bayang ito ang inilikas ng mga rescue team ng 302nd Maritime Police Station (Marpsta), PNP Botolan at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office matapos magiba ang kanilang mga bahay nang hampasin ng malalaking alon epekto ng habagat.

Karamihan sa mga inilikas ay pawang mga mangingisda na nakatira malapit sa dalampasigan ng Barangay Bangan na pansamantalang dinala sa gusali para sa senior citizen.

Namahagi naman ng relief goods sa mga evacuees sina Botolan Vice Mayor Dories Ladines, Edwina C Sibog ng municipal social welfare office, Andie Divino ng MDRRMO ng Botolan at mga opisyal ng Barangay Bangan sa pangunguna ni chairman Celso R. Dagsaan.

Katulong na namahagi ng relief goods sina Major Virgilio Carodan, hepe ng 302nd Marpsta, at Major Daniel Fakat, hepe ng Botolan PNP.

Samantala, isang mangingisda sa Barangay Bangantalinga, Iba ang na-rescue ng 302nd Marpsta matapos lumubog ang banka sa laot bunga ng malakas na alon dala ng southwest monsoon.

Kinilala ni Major Carodan ang biktimamg si Nemecio Perez Lopez, 51, residente ng Sitio Kohay, Barangay Sto. Rosario, Iba.

Na-retrieved ang bangka ng biktima ng mga tauhan ng maritime police sa tulong ng komunidad ng Purok 6, Barangay Bangantalinga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here