Mga bagong iibigin

    318
    0
    SHARE
    Sabay na ini-launch ng PPL Entertainment ni Perry Lansigan ang kanilang bagong talents na sina Migz Halejo at Maya na parehong singers. Nilinaw agad nila na hindi sila duo kungdi may sarili silang individual career.

    Si Migz ay 21 years old at heartthrob siya ng kanilang campus (College of St. Benilde).

    Bukod dito, tinagurian din siyang internet sensation dahil naging hit ang cover songs na in-upload niya sa Soundcloud and YouTube.

    Noong 15 years old si Migz ay sumali raw siya sa Talentadong Pinoy at nagattempt din siya sa Pilipinas Got Talent but unfortunately ay hind raw nakalusot dahil naggitara lang siya noon. Hindi pa raw kasi siya marunong kumanta that time.

    Kaya ang ginawa niya ay nag-aral siyang kumanta at successful naman dahil ang ganda naman pala ng boses niya.

    Si Maya naman ay member ng BLUSH, a five-member group from the Philippines, India, Hong Kong, Japan and South Korea. Nagaudition siya sa nasabing grupo at mapalad namang makapasok.

    Nakapag-tour na ang grupo nila sa iba’t ibang bansa including the US at nakasama sina Justin Bieber, Jessie J, Black-Eyed Peas, etcetera.

    She’s still part of the group pero naka-season break daw sila ngayon kaya naman umuwi muna sila sa kanikanilang bansa at susubukan muna niya ang career sa ’Pinas sa ilalim nga ng pangangalaga ni Perry.

    Pamilyar ang face ni Maya kaya natanong siya kung ano talaga ang real name niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here