Home Headlines Mga baboy ng backyard raisers sunod-sunod na nagkamatayan

Mga baboy ng backyard raisers sunod-sunod na nagkamatayan

1678
0
SHARE
Photo grabbed from net

(Photo grabbed from web)

LUNGSOD NG MALOLOS — Magkakasunod na namatay ang 47 alagang baboy ng mga backyard raisers sa Baranagay Panasahan nitong nakaraang linggo.

Blangko ang mga backyard hog raisers at hindi matukoy ang dahilan ng biglaang pagkamatay ng kanilang mga alagang baboy.

Namatay ang 41 alagang baboy ni Von Dela Cruz habang anim naman ang namatay mula kay Federico Roxas na unti-unting mga nanghina hanggang sa sunod-sunod na magkamatay.

Anila, wala silang nakitang mga sintomas ng pagkakasakit ng mga alagang baboy.

Nasa isang dekada na silang nag-aalaga ng baboy ngunit ito ang kauna-unahang insidente na nagkamatay ang mga alaga nila.

Agad naman silang inatasan ng City Veterinary Office na ibaon sa lupa ang mga baboy at binigyan sila ng gamot at disinfectant.

Samantala, nilinaw ni Rodrigo Buluran, punong barangay at chairman ng commitee on agriculture and aquaculture, na hindi related sa African Swine Fever ang insidente at wala silang nakitang sintomas ng ASF sa mga baboy na namatay.

Ayon pa kay Buluran, maaring napasama sa kaning baboy ang lason sa daga kung kayat sa palagay nila ay ito ang sanhi ng pagkamatay ng mga baboy dahil madami sa lugar nila ang naglalason ng daga sa panahon ngayon.

Samantala ay wala pang nakukuhang opsiyal na pahayag ang mula sa lokal na pamahalaan ng Malolos hinggil sa kasong ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here