Mga anak ni Dina Bonnevie asiwa sa kanyang muling pag-aasawa

    560
    0
    SHARE

    TINIYAK ng nagbalita sa amin na ’di kami ‘makukuryente’ if ibalita naming for the third time ay ikinasal na si Dina Bonnevie in Antipolo, Rizal.

    We will ask our source more details about this kaganapan bago namin detalyadong ibalita sa inyo ang lahat ng tungkol sa magandang happening na ito sa buhay ni Dina.

    First married to top comedian Vic Sotto with whom may dalawa siyang anak —sina Danica at Oyo —  nag-asawang muli si Dina sa isang hindi taga-showbiz. Hindi si Dina nagkaanak sa kanyang second husband.

    Pareho nga palang may asawa sina Danica at Oyo at may mga apo na si Dina sa mga ito. Well, congrats and best wishes, Dina.

    Nakausap namin sa taping ng Valiente si Oyo Sotto na inaming nalungkot at nanghinayang nang iurong ng TV5 ang time slot ng teleserye nila para sa Nandito Ako.

    Naniwala itong nakaapekto sa rating ng soap ang move ng network at ngayong ibinalik na sila sa original time slot, sana raw tuluy-tuloy na.

    “Weird” pala ang feeling nina Oyo at ate niyang si Danica Sotto-Pingris nang saksihan ang civil wedding ng inang si Dina Bonnevie kay Ilocos Sur Vice-Governor Deogracias Savellano.

    Ginanap ang kasal noong March 28 sa Antipolo Regional Trial Court at hindi alam ni Oyo kung alam na ni Vic Sotto ang tungkol dito.

    Sabi ni Oyo, may konting kaba sila ni Danica sa muling pag-aasawa ni Dina dahil ayaw nilang masaktan ito, pero matino at mabait naman daw ang stepfather nila at pati mga anak nito, nakilala na nila.

    Weird din ang feeling ni Oyo nang makita ang mga anak ng stepdad nila, pero happy na lumalaki ang kanilang pamilya. Si Vic na lang ang single sa kanila at hindi pa raw nila ito mapilit na mag-asawa na rin.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here