Home Headlines Mga aklatang may makabagong programa at serbisyo, paparangalan

Mga aklatang may makabagong programa at serbisyo, paparangalan

599
0
SHARE

Binisita ni Eliseo Dela Cruz, hepe ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (gitna) ang panlalawigang aklatan bilang paghahanda sa pagdiriwang ng ika-31 Library and Informartion Services Month. (PHACTO)


 

LUNGSOD NG MALOLOS — Kikilalanin ng pamahalaan panlalawigan ang mga aklatang may mga makabagong programa at serbisyo sa panahon ng pandemya kaugnay ng pagdiriwang ng ika-31 Library and Information Services Month.

Sa pangunguna na Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office o PHACTO, paparangalan ang Bulacan State University na napiling nanalo ng unang gantimpala bilang 2020 Most Innovative Library Program and Services for the New Normal.

Sumunod naman ang Gaya-Gaya Elementary School Library, ikalawang gantimpala; Muzon National High School Library, ikatlong gantimpala; at tatlong consolation prizes kabilang ang Bagong Buhay Elementary School Library, Plaridel Municipal Library at Baliwag Municipal Library.

Tatanggap ang mga nagawagi ng tropeyo at perang insentibo na 10,000 piso, 7,500 piso, 5,000 piso at 3,000 piso bawat isa ayon sa pagkakasunud-sunod.

Sinabi ni Eliseo dela Cruz, ang hepe ng PHACTO, pinagbatayan sa pagpili ang 50 porsyento para sa inobasyon, 30 porsyento para sa epekto, 20 porsyento para sa pagiging maparaan kung saan sila ay nagsumite ng endorsement letter, dalawang pahinang kasaysayan ng aklatan, paglalarawan na may mga larawan ng aklatan sa bagong normal at tatlong minutong audio visual presentation.

Nakatakdang rin isabay ang pagpaparangal para sa mga nagwagi sa 2019 inclusive, innovative, interconnected library programs and services na saklaw ang mga buwan mula Marso hanggang Disyembre 2019.

Kabilang sa mga pararangalan ang Bulacan State University, grand winner; Sapang Palay National High School-Senior High School Library, unang karangalang banggit; Gaya-Gaya Elementary School Library, ikalawang karangalang banggit; Plaridel Municipal Library, ikatlong karangalang banggit; at consolation prizes para sa Baliwag Polytechnic College Library, Assemblywoman Felicita G. Bernardo Memorial Trade School Poncher Library at Bagong Buhay Elementary School Library.

Tatanggap sila ng tropeyo at perang insentibo na nagkakahalaga ng 30,000 piso, 20,000 piso, 15,000 piso, 10,000 piso, at 5,000 piso ayon sa pagkakabanggit.

Pinili ang mga nagwagi ayon sa programa ng aklatan 65%, serbisyo ng aklatan 10%, Bulacañana collection 15% at pakikilahok sa mga programa ng panlalawigang aklatan 10% na nakita sa kanilang mga isinumiteng dokumento.

Sinabi naman ni Gobernador Daniel Fernando na iniingatan ng mga aklatan gaya ng mga museo ang kasaysayan at pamana ng lalawigan na mahalaga upang maikintal ang pagmamahal sa sariling kultura, kasaysayan, kapaligiran at sa lalawigan. (CLJD/VFC-PIA 3)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here