Home Headlines Memorial park sa Balanga dagsa na ang tao

Memorial park sa Balanga dagsa na ang tao

1007
0
SHARE

 

Ang mag-asawang Mauro at Zenaida Jaraba sa Eternal Shrine Memorial Park. Kuha ni Ernie Esconde


 

LUNGSOD NG BALANGA — Dagsa na ang maraming bumibisita sa mga puntod sa Eternal Shrine Memorial Park sa lungsod na ito ngayong Linggo.

Sabay sa paglilinis ang pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak ng mga dumadalaw sa libingan ng mga namayapang mahal sa buhay sa isa sa pinakamalaking memorial park sa Bataan.

Si Mauro Jaraba at asawang Zenaida na nakabantay sa himlayan ng kapatid at anak ay nagsabing ngayong Linggo ang araw ng pagdalaw nila para sa Undas dahil sarado  ang mga sementeryo sa Bataan ng limang araw.

Araw-araw, ani Mauro, dumadalaw sila sa puntod ng kanilang 19-taong gulang na anak na lalaki mula nang mamayapa ito noong nakaraang Abril ngunit kailangang sumunod sila sa patakaran ng pamahalaan.

“Kasi nga kailangang sumunod ang lahat sa protocol dahil mahirap nang mahawa pa,” sabi ni Jaraba, isang retiradong empleyeado ng Department of Health.

Idineklara ng provincial inter-agency task force na pansamantalang sarado mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 ang lahat ng mga sementeryo, memorial park at columbarium sa 11 bayan at isang lungsod sa Bataan bilang pag-iingat sa coronavirus disease.

Samantala, sa isang public cemetery ng Abucay, Bataan ay hindi pa karamihan ang dumadalaw sa mga puntod. May mga nitso pang hindi masiyadong malinis at may mahahabang damo bagama’t karamihan ay nahawan na at nalinis.

Ngayong araw ng Linggo ay kabilang si Emma Manapat at mga anak sa nagtulos ng kandila sa nitso ng kaanak.

“Hindi na puwede sa mismong Undas dahil hanggang Oktubre 28 na lang puwede,” sabi ng babae.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here