Mekaniko ng barko nahulog sa andamyo, patay

    511
    0
    SHARE

    MARIVELES, Bataan- Isang mekaniko na naglilinya o taga-align ng malaking makina ng isang passenger vessel na nakadaong at ginagawa sa isang shipyard sa Barangay Lucanin dito ang diumano’y nahulog sa andamyo ng barko habang paakyat na ito bandang alas-3 ng madaling-araw nitong Miyerkules.

    Ayon kay Edwin Pineda na isa ring taga-align ng makina ng barko, galing sa labas ang biktimang si Jet Barlas, 42, ng Tansa, Navotas, Metro Manila. Pabalik na umano ito sa kanilang barkong MV Montenegro nang diumano’y mahulog ito sa andamyo at bumagsak sa tubig.

    Hindi pa umano nila alam ang talagang nangyari dahil magaling lumangoy at isang mahusay na diver si Barlas. Ang MV Montenegro ay isang passenger vessel na biyaheng probinsiya ng Batangas.

    Sinabi ng pulisya sa Batangas Dos Detachment ng Mariveles Municipal Police Station na batay sa autopsy, walang foul play at namatay ang biktima sa pagkalunod.

    Ayon sa pulisya, nasa isang videoke ang biktima at ilang kasamahan alas-12 pa lamang ng hating-gabi at pabalik na sa barko sa loob ng Seafront Shipyard and Port Terminals sa Lucanin. Tumangging magpapasok ng media sa loob ang pamunuan ng shipyard.

    Patuloy pa ang imbestigasyon ng Mariveles police.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here