Sumama si Megastar Sharon Cuneta, nitong Martes, Pebrero 22, sa campaign trail ng kanyang asawang si Senador Kiko Pangilinan na tumatakbo sa pagka bise presidente ng ating bansa.
Pumunta ang mag-asawang Pangilinan at Cuneta sa Tarlac at Pampanga kasama ang anak ni Bise Presidente Leni Robredo na si Jillian Robredo at artistang si Gab Valenciano.
Kinamusta ang mga magsasaka, estudyante ng Tarlac State University, pati ang mga tindera sa Gerona Public Market at itinuloy ang pangangampanya nito sa Pampanga upang makipagkita sa mga solo parents sa siyudad ng San Fernando.
Ayon kay Pangilinan, panahon na para himayin ang mga kandidatong may malinis na hangarin, mga may nagawa at huwag magtiwala sa mga fake news at haka-haka.
Binigyang diin naman ng Megastar ang malinis na track record ng kanyang asawa. Aniya, kapag sila ang nahalal hindi ito magiging gobyerno ng paghihiganti o ano pa man kundi magiging gobyernong lahat pagsisilbihan kahit mga hindi sumuporta.
Bumisita din ang mag-asawa sa ancestral home ni Kiko sa Barangay San Vicente at hometown nito sa Sto. Tomas.
*Photo credits: Gerlad Gloton