Home Headlines MECQ Day 1: Checkpoint hinigpitan, ilang trike pumasada

MECQ Day 1: Checkpoint hinigpitan, ilang trike pumasada

768
0
SHARE

Ang itinalagang checkpoint sa pagitan ng Bulacan na nasa ilalim ng MECQ at Pampanga na nasa MGCQ naman. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG MALOLOS
— Naging mahigpit ang checkpoint sa boundary sa lalawigan, habang may ilan pang mga namamasadang tricycle sa kabila ng pagbabawal at dumalang na ang mga customers sa unang araw ng balikMECQ.

Sa boundary ng Bulacan at Pampanga ay mahigpit ang pagpapatupad ng mga otoridad sa checkpoint, tinitingnan na mabuti ang mga dalang dokumento gaya ng travel pass, company ID o certificate kung mga essential workers ang mga dumaraan dito.

Ang mga walang maipakitang dokumento ay hindi na pinapapasok sa Bulacan.

Tuloy naman ang operasyon ng mga negosyo gaya ng hardware, auto supplies, tire supplies, fast food, at supermarket. Bagamat ayon sa mga negosyante,bumaba agad ng 25 porsiyento ang kanilang kita sa unang araw pa lang ng MECQ.

Samantala tuloy pa rin ang pamamasada ng mga tricycle sa bahagi ng Barangay Dakila sa lungsod na ito sa kabila ng pagbabawal ng lokal na pamahalaan sa pampublikong transportasyon sa ilalim ng MECQ.

Ayon sa mga tricycle drivers, humina ang kanilang kita ngayong unang araw ng pagpapatupad ng MECQ.

Ani Lando Dela Peña, tricycle driver, hindi pa naman sila hinuhuli sa ngayon ng mga otoridad ngunit titigil naman sila sa pasada simula bukas. Napilitan lang daw sila na mamasada upang may pambili ng pagkain para sa kanilang pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here