Home Headlines Mechanized Hunter Company nakilahok sa 7ID-wide simultaneous blood donation activity

Mechanized Hunter Company nakilahok sa 7ID-wide simultaneous blood donation activity

734
0
SHARE

Kuha ni Johnny Reblando


 

PALAUIG, Zambales — Nakilahok ang Mechanized Hunter Company ng Philippine Army sa katatapos na 7th Infantry Division-wide simultaneous blood donation activity sa Tent City, Barangay Bulawen, Palauig nitong Martes.

Ang aktbidad ay upang makapagbigay ng libreng dugo sa nangangailangan at makatulong. Nakiisa dito ang Philippine Army, Zambales police, James L. Gordon Hospital, at Zambales Provincial Health Office.

Ayon kay commanding officer Capt. Norman Oliver Adlaon, ang nalikom na dugo ay dadalhin sa blood bank ng James Gordon Hospital.

Dagdag pa ni Adlaon, mahalaga ang bawat uri ng dugo dahil makadurugtong ito ng buhay ng nangangailangan.

Sa kabuuang bilang umaabot sa 849 bags ng dugo ang nalikom ng pinakaunang 7ID-wide bloodletting sa pamamagitan ng Dugong Alay, Dugtong Buhay, Inc. at ng mga nurses at doktor ng Tondo Medical Center na maayos na naisakatuparan at gagawin ng quarterly.

Ang mga blood donors ay nagmula sa ibat-ibang units sa ilalim ng 7ID.

Ayon kay 7ID commander Major Gen. Andrew Costelo, malaki ang benepisyong idudulot ng pagdo-donate ng dugo dahil makapagdudugtong ito ng buhay at magandang kalusugan.

Nakiisa rin ang mga miyembro ng Kaugnay Media Defense Corps lnc.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here