Home Headlines Mayor sa barangay officials: Health workers, nutrition scholars ‘wag palitan

Mayor sa barangay officials: Health workers, nutrition scholars ‘wag palitan

557
0
SHARE
Mayor Florida Paguio Esteban. Kuha ni Armand M. Galang

CUYAPO, Nueva Ecija – Hinikayat ng lokal na pamahalaan ang mga bagong halal na opisyal ng barangay na iwasan ang basta-basta pagpapalit ng barangay health workers (BHW) at nutrition scholars (BNS).

Ayon kay Mayor Florida Paguio Esteban, sayang ang mga kaalaman na nakamit sa mga seminar at karanasan ng mga nanunungkulang BHWs at BNS kung basta na lamang sila papalitan kasabay ng pagpapalit ng mga opisyal ng barangay.

Inihayag ito ni Esteban kasunod ng panunumpa ng mga bagong halal na barangay at sangguniang kabataan officials at nalalapit na pag-upo ng mga ito sa kapangyarihan.

Sinabi ni Estenan na sa antas ng munisipyo ay naghain sila ng isang ordinansa na kailangang manatili sa posisyon ang mga BHW at BNS na may tatlong taon o higit pang panunungkulan at nakadalo sa hindi bababa sa dalawang seminar, maliban sa iba pang sapat na dahilan.

Kaakibat nito, sabi ng alkalde, ay pinapayuhan naman nila ang mga BHW at BNS na huwag makikiaalam sa partisan politics, lalo na sa panahon ng halalan.

“Kung maayos namang gumaganap sa kanilang tungkulin ay dapat ipagpatuloy nila ang pagta-trabaho,” ani Esteban na isang duktor.

Gumastos na rin aniya ang gobyerno sa pagsasanay ng mga BHW at BNS. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here