SAN MIGUEL, Bulacan – Tatlo katao kabilang ang isang barangay tanod at isang menor de edad na babae ang inaresto ng pulisya sa bayang ito matapos iharang sa gitna ng kalsada ang isang gamit na kabaong na ikinatakot ng mga residente kabilang ang alkalde ng bayang ito noong Lunes ng madaling araw.
Ang mga suspek na pawang mga residente ng barangay Tartaro sa bayang ito ay kinilalang sina Robin Hernandez, 31, Barangay Tanod; Andy Elemen, 20, truck helper; at Mary Joy Dino, 17, isang estudyante.
Ang insidente ay naganap sa kahabaan ng Camias-Sibul Road na nasasakop ng barangay Tartaro at di kalayuan sa isang sementeryo at Camp Tecson, ang punong himpilan ng First Scout Ranger Regiment.
Ayon kay Mayor Roderick Tiongson ng bayang ito, nanindig ang kanyang balahaibo ng makita ang kabaong sa gitna ng kalsada bandang ala-1 ng madaling araw noong Lunes, at muntik pang masagasaan ng lead car sa kanyang convoy.
“Akala ko ambush na dahil nakaharang yung ataul sa kalsada,” ani Tiongson na pauwi na mula sa isang pulong ng madaanan ang nasabing kabaong.
Agad niya itong ipinabatid sa pulisya na nakaaresto sa tatlong suspek habang nagtatawanan pa ang mga ito sa isang madilim na bahagi ng kalsada at pawang amoy alak.
Ayon sa mga suspek, nakatuwaan lamang nilang iharang sa kalsada ang kabaong upang takutin ang ilang residenteng dumadaan doon kung gabi.
Ang kabaong ay hinila ng mga suspek mula sa loob ng kalapit na sementeryo matapos na maiwan ito sa tabi ng puntod na pinaghukayan sa bangkay na laman ng kabaong kamakailan.
May mga natakot nga silang residente na dumaan doon at nag-ulat sa punong barangay.
Ngunit bago makarating sa nasabing lugar ang mga barangay tanod ay napadaan na si Tiongson.
Nagsusumamo at nagmakaawa ang mga suspek kay Tiongson upang sila ay patawarin, ngunit kinasuhan pa rin ang dalawang suspek ng light threats at alarming scandal, samantalang ang babeng menor de edad ay isinailalim sa kustodiya ng municipal social welfare and development office.
Ayon kay Tiongson matagal na siyang nakakatanggap ng balita at reklamo na ang mga buto at bungo ng tao ay karaniwang inihaharang sa gitna ng nasabing kalsada upang takutin ang mga residente doon.
Sinabi niya na dapat ay turuan ang leksiyon ang mga taong gumagawa ng pananakot sa kapwa gamit ang mga labi ng mga yumao.