When we attended the recently concluded Bangkero festival sa bayan ng Pagsanjan, Laguna where Maita Javier Ejercito is the mayor, nakita namin kung gaano kalambing ang pagsasamahan ng mag-asawang mayora at gobernador.
But of course, the governor is ER Ejerctio na siya ring dating mayor ng Pagsanjan. Si mayor nga kasi ang special guest sa opening ng festival na talaga namang kasamang umakyat sa stage ni Gob. Habang nag-i- speech si mayora, nanatili sa gilid ng stage si gob at pasilip-silip upang bigyan ng prompt ang kanyang asawa sa sasabihin nito.
Si mayora naman, everytime na may highlight sa kanyang speech at sumusulyap sa kinaroronan ni gob, ayun ang sweet moments ng dalawa.
But of course, todo-alalay nga si Gob kay mayora sa pagbaba at pag-ayat sa stage. “Mahal ko yan, nag-iisa lang yan sa buhay ko, di ko puwedeng ipagpalit,” seryosong sabi pa ni Gob sa amin everytime na pinupuna namin ang sweetness nila.
Sa lunch, nakaharap namin ang dalawa at talaga namang halos magsubuan na sila sa ka-sweet-an. Every time na may tinatanong kami kay mayora, laging umaasa si mayora sa suportang sagot ni Gob. Na halos lahat talaga ng sinabi niya sa amin ay tinityak niyang may basbas ng kanyang asawa.
“Asawa ko siya, nirerespeto ko siya. Sa panunungkulan ko, siya ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob, siya talaga ang idolo ko,” sabi pa ni mayora.
“I never doubted her capacity, nung unang kumandidato ako siya ang malakas na puwersa sa tabi ko, sa palagay ko kung wala siya wala rin ako rito, papuri naman ni governor ER sa asawang mayora.”