Home Headlines Mayor Geld Aquino: “We will continue to Invest in Education”

Mayor Geld Aquino: “We will continue to Invest in Education”

356
0
SHARE
Ngayong ipinagdiriwang ang World Teachers’ Day, binigyang diin ni Mayor Geld Aquino na mas pagtitibayin pa ng lokal na pamahalaan ng Mabalacat ang mga programa nito sa edukasyon.
 
Sa kaniyang mensahe sa pagdiriwang ng mga guro sa siyudad ngayong Biyernes, Oktubre 5 sa SM City Clark, kaniyang, kinilala ng alkalde ang mahalagang papel ng mga educators dahil sa kanilang walang sawang dedikasyon at sakripisyo sa kabila ng maraming hamon na kanilang kinakaharap sa araw-araw na pagtuturo.
 
​”Napakalaki ng inyong ambag. Kayo ang gumagabay sa ating mga kabataan. Hindi matutumbasan ng anumang halaga ang inyong pagmamahal sa propesyon. Kaya naman, sinisiguro ko sa inyo we will invest in education,” mariing pahayag ni Mayor Aquino.
 
Dumalo rin sa pagdiriwang sina Councilors Ike Morales, Noel Castro, Patricia Acorda at Marjorie Sambo.
 
Dagdag pa rito, ipinamahagi rin ang P2,500 cash incentives sa bawat guro. Dahil sa inisyatiba at pagmamalasakit ni Mayor Aquino, mula sa orihinal na P1,000 ay tinaasan ito at ginawang P2,500 kada guro.
 
Samantala, tumanggap rin ang mga guro na mahigit sa 25 years sa serbisyo ng P4,000; 30 years (P5,000), at 35 years (P6,000).
 
​Pinasalamatan naman ng buong City Schools Division ng Mabalacat ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Aquino para sa tuloy-tuloy na suporta at pagpapahalaga na kanilang ipinapakita.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here