Mayor EdPam, aktibo lagi

    372
    0
    SHARE
    Mapalad ang taga Lungsod ng Angeles
    sa pagkakaroon ng isang Mayor Ed
    na laang magsilbi sa kanyang ‘constituents’
    ng tapat at walang personal interest.

    Pagkat tunay namang si Mayor Pamintuan
    ay napakalinis sa panunungkulan,
    Masipag at wala rin siyang sinasayang
    na oras sa walang kabuluhang bagay.

    At di basta na lang yan sa opisina
    naglalagi kundi lumalabas siya
    upang personal na matutukan niya
    ang anumang posibleng maging problema.

    Gaya ng pagtutok ng butihing Mayor
    sa ‘riding-in-tandem’ na siya mismo noon
    ang nakahuli nang matyempuan nitong
    may inisnatch sila malapit sa downtown.

    Subok ang pagiging matatag ni EdPam
    pagdating sa puntong ang nasasakupan
    ay nasa panganib at kinakailangang
    ipagtanggol sila laban sa kriminal.

    At maging sa oras ng pananalasa
    ng naturalesa, gaya halimbawa
    kung may bagyo, si Sir lumalabas kusa
    sa kalsada upang tingnan ang pinsala.

    At tinutulungan niya sa pagliligpit
    ang mga metro aide at/o tagalinis
    ng siyudad kung kaya nagiging mabilis
    pati ang pagdating ng anumang ‘relief’.

    Yan si Mayor EdPam ng Angeles city
    na lubhang malingap sa ‘constituents’ pati,
    At ang lahat na ay hangga’t maaari
    ay taos pusong sa bayan ipagsilbi.

    At anumang bagay na ikauunlad
    ng Angeles city kanyang sinisikap
    magampanan upang kanyang mai-angat
    ang pamumuhay ng mahal na kasiyudad.

    Kung saan kabilang sa prayoridad niya
    ang ‘peace & order’ at ibang aspeto pa
    na ninanais niyang habang mayor siya
    ay maidagdag sa ‘accomplishments’ niya.

    Kaya naman, hayan bunsod ng matapat
    na hangaring makatulong sa kasiyudad
    sa pangangailangang medical ng lahat,
    ang ONA ay kanyang lubos na sinikap

    Na magkaroon ng mga kagamitang
    maituturing nating ‘highly medical
    equipment’ na kusang ibinigay lamang
    ng mga tapat na kaibigan ni EdPam

    Na sinadya pa mandin sa ibang bansa
    para lang personal na makausap nga
    at malaman kung ano ang magagawa
    ng mga ‘friends’niya sa banal na nasa.

    At heto ang huli ay ang tinatawag
    na ‘cardiac arrest care unit’ ay nagbuhat
    kay Dr. Rey Franco, isa sa matapat
    na kaibigan ng ating ‘best city Dad’.

    Na kamakailan ay pinabendisyonan
    sa isang simple pero napakahalagang
    inaugurasyon ng nasabing ‘medical
    equipment’ na aking nakita ‘in actual’.

    Kaya nasabi ko tuloy sa sarili,
    kung ano pa ba ang hahanapin pati
    kay Mayor nitong taga Angeles city,
    para di tulungan sa Mayo a nuebe (9)?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here