Mayor Bistek umaming naging karelasyon si Kris Aquino

    420
    0
    SHARE
    Nagpa -lunch si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa entertainment press na ang birthday ay July, August at September nu’ng Saturday at do’n na rin namin hiningi ang reaksyon niya sa sinabi ni Kris na kasali na ulit siya sa pelikulang gagawin nito sa Star Cinema para sa MMFF.

    “Kasi ’di ba, nagsusyuting ng Etiquette (For Mistresses) si Kris tapos nagkakasakit na siya, so nu’ng una, buo na ’yung pelikula pero wala pang script, ’yung cast pa lang, and then eventually, dahil nagkakasakit nga, ayaw na niyang gawin ’yung movie.

    “And then, na-pursuade siya na ituloy ’yung movie, pero iba ’yung cast kasi malapit na ang eleksyon, eh, di ba? Tapos biglang natuloy ’yung pelikula and supposedly parang si Derek (Ramsay) na yata.

    “Pero nu’ng Tuesday, nagmiting kami ni Tita Malou (Santos) and tuloy na ’yung movie, kasama na ako ulit,” mahabang kuwento ni Bistek.

    “Sabi ko nga, okey lang kung hindi ako kasama pero si Tita Malou mismo ang nagsabi na ‘we want you there, you’re the original cast, hindi puwedeng… I was informed din na sa Oct. 9 magre-resume na ’yung syuting pero hindi ko pa alam kung kasama na ako do’n,” patuloy pa niya.

    Nagpapasalamat naman si Herbet sa Star Cinema for considering him again to be part of the project.

    “I’m thankful sa Star Cinema dahil they still consider me to be part of the movie. Kahit na maliit lang ’yung role okey na basta ang importante, may raket, basta may pelikula,” natatawa niyang pahayag.

    Eh, bakit ba pinalitan na ang title ng kanilang movie?

    “Yung Mr. & Mrs. Split is a working title. Eh, si Kris naman nakilala din sa salitang love, love, love. I hope din na magtuloy yung Viva at Star Cinema sa co-production dahil Viva is my manager,” sagot pa niya.

    Nagbigay din ng reaksyon si Bistek sa tanong ng press kung totoo bang nagkabalikan na sila ni Kris.

    “Hindi, eh! Ha-ha-ha!” reaksyon agad niya.

    Bakit, naging sila ba talaga?

    “’Di ba, sinabi niya ‘yon… pero walang…” bitin niyang pahayag na sinundan ng malakas na tawa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here