Mayor Bistek opens up on Kris Aquino

    456
    0
    SHARE

    NAGING bukas si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa mga katanungan ng press people kahapon sa birthday treat niya for the entertainment media na nagdiwang ng kaarawan mula Enero hanggang Setyembre.

    Lahat ng tanong ay sinagot niya kabilang na ang questions about his personal life pati na ang tungkol kay Kris Aquino. Kamakailan ay nagharap nga sa ere sina Kris at Bistek nang mag-guest ang huli sa Aquino & Abunda Tonight kung saan pinakawalan ni Tetay ang mga linyang hindi nga raw nananakit nang pisikal ang alkalde kungdi damdamin lang.

    Ayon kay Bistek ay hindi raw talaga schedule ’yun at nagkataong nag-taping siya para sa episode ng Tapatan ni Tunying. “’Yung issue nga is sampalan. From there, kinausap ako nina Direk Arnel (Natividad of ABS-CBN) at saka ng mga producer.

    Ayoko nga dahil baka humaba na naman ’yung kwentuhan, you know, but I acceded because I know ’yung market ng nanonood ng A & A is different from Tunying, different from DZMM, DZBB or what have you. Magkakaibang market ’yun, so I have to explain kung bakit ko ginawa ’yun sa drug pusher,” paliwanag ni Mayor.

    Ready ba siya at that time to face Kris? “Wala namang problema sa aming dalawa, even if you watch the entire segment, it was purely professional. Okay naman siya, eh.”

    Ano ang naging reaksyon niya sa mga hirit na jokes ni Kris? “Typical Kris Aquino ’yun, eh. At saka ano ’yun, eh, punchliner talaga ng babae ’yun, eh. Ano ’yun, eh parang give and take (na batuhan). Parang si Pugo at si Patsy.

    Ako si Pugo, siya si Patsy,” pahayag ni Bistek. Nakaramdam ba siya ng awkwardness sa mga punchline na ’yun? “Hindi naman. Natural kasi na mangyayari ’yun.”

    First time na paghaharap iyon nina Kris at Bistek pagkatapos ng mga nangyari kaya mabuti naman at naging light ang paghaharap na ’yun. “Eh magaan lang naman talaga ang buhay, eh, ’di ba? Siguro, baka marami na siyang… ayoko nang magsalita,” he said sabay-tawa.

    Pero hindi pumayag ang press na hindi niya ituloy ang gusto niyang sabihin. “Marami na siyang ginagawa, baka marami na siyang plano, maraming nanliligaw siguro. So… andiyan si Derek (Ramsay) ’di ba?”

    Sa sinabing ’yun ni Bistek ay nagsigawan at nag-react ang press dahil para ma-mention niya ang name ni Derek, may ibig itong sabihin. Pero nilinaw agad ito ni Bistek at aniya ay wala naman daw itong ibig sabihin.

    Okay naman daw sila ni Kris at once in a while ay nagko-communicate pa rin sila. Kumusta ang love life?

    “Love life, wala. Mga bata pa rin. My daughter is in Ateneo. ’Yung anak kong isa, mag-i-entrance exam sa UPCAT at sa Ateneo. So, sana pumasa siya, ’yun ang focus ko ngayon.”

    Matatandaang ang mga anak ni Bistek ang dahilan kung bakit naudlot ang pagkakamabutihan nila ni Kris dahil naapektuhan daw ang mga bata sa pag-amin ni Kris at ayon sa alkalde, naging eye opener na rin daw para sa mga anak niya ang nangyari.

    “And I pray that they become stronger because of that experience and I think they are stronger (now),” pahayag pa ni Mayor. Sa tingin niya ay ano ang natutunan niya sa nangyari sa kanila ni Kris?

    “That no matter what, maliit lang ang mundo, eh. Maliit lang ang mundong ginagalawan natin. She belongs to a political family, I am in public service. Magbabarkada namin kaming lahat, sina Junjun. I mean, nagkikitakita kami, maliit lang ang mundo.

    “If you go to the other side of the world, it’s the entertainment industry, maliit din ang mundo. “And our children are growing up, they could be friends, they could be co-workers in the future. So, wala namang problema.”

    Wala raw masamang tinapay sa kanya at ganu’n din daw ang tingin niya kay Kris. “I think, that’s one of the reasons also kung bakit niya naging kaibigan ulit si James. I’m looking forward na magkausap-usap na rin sila niya Kuya Ipe (Phillipp Salvador na ama ng panganay ng anak ni Kris na si Joshua), nina Mayor Joey (Marquez, dating karelasyon ni Kris) so that you know, everything’s really okay.

    “May nabasa nga ako na ‘huwag kang manatiling galit dahil ang masasaktan lang doon ay hindi naman ’yung taong ikinagagalit mo kungdi ikaw mismo.’ So, parang ganu’n lang din siguro ’yun.” When asked kung single ba siya ngayon, sagot ni Mayor, “I’ve always been single. I’m not committed to anyone. I’m committed to my kids, to my work, ’yun.”

    Basta mine-maintain daw niya ang friendship at respect sa ina ng kanyang mga anak. “I am seeking their forgiveness if I’ve done something wrong to one of them but I thank them so much for rearing good children, God-fearing, respectful children.”

    Gusto rin daw niyang makasal someday pero sa ngayon, aniya, kulang daw ang panahon. When asked kung malabo na ba silang maging close ni Kris tulad ng dati, say ni Bistek, “siguro ’pag may panahon, wala namang problema du’n.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here