May sumisira sa magandang relasyon nina Ynnah Asistio at Mark Herras

    483
    0
    SHARE
    Obvioulsy, very cooperative si Ynnah Asistio sa pagtulong sa publisidad ng Langit  Sa Piling Ko where his BF is paired with Heart Evangelista.

    Wala raw siyang selos factor at siya mismo ay excited na kahit na binuwag ang loveteam nila ni Mark, happy siya sa para sa kanyang boyfriend.  “Ako nga kikinilig, kasi alam kong crush ni Mark si Heart, at least, excited ako para sa boyfriend ko dahil naging reality yung kagustuhan niyang makapareha yung crush niya sa shwobiz. To me, they are a are beautiful tandem,” sabi pa ni Ynnah.

    Wala naman daw siyang dapat ika-insecure kasi nga alam niya kung saan siya nakatayo sa buhay ni Mark Herras.  “Wala naming problema’ng relasyon namin, tumatakbo ito nang maganda. Very solid ang foundationn amin ni Mark at ni katititng na insecurity ay wala talaga ako,” sabi pa nito.

    Pero halatang kung minsan, may inis factor si Ynnah dahil nga may mga taong nais subukan kung hanggang saan ba sila ni Mark. Na feeling nga ng anak ni Nadia Montenegro, ay may mga taong hindi natutuwa dahil nagmamahalan sila ni Mark.

    “I assure, you, hindi sila magtatagumpay, nagkakaintindihan kami ni Mark at may basbas kami ng aming mga pamilya.  Sa tagal na namin, wala ng isyung puwede pang makasira sa aming relasyon,” paniniguro pa ni Ynna Asistio.

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here