May sakit??? Regine Velasquez magpapahinga

    367
    0
    SHARE

    One month hindi mapapanood sa Party Pilipinas  si Regine Velasquez at last Sunday ang last performance niya.

    Kailangang mag-rest ni Songbird dahil sa lumalalang acid reflux at patuloy na pamamalat ng boses.

    Nagpaalam din sa Twitter si Regine at nag-tweet ito ng “I will be resting for awhile, need to address my acid reflux & my throat siyempre. Thank you guys again for your support. See u soon.” Later on the day, mukhang sinumpong ng acid reflux si Regine dahil muling nag-tweet tungkol sa sakit.

    Pero kahit nasa vacation mode, maggi-guest si Regine sa major concert ni Vice Ganda sa Smart Araneta Coliseum sa May 17 billed I-Vice Ganda Mo Ako. Siguradong hihirit na naman si Songbird nito. Kasama niyang guests sina Dawn Zulueta, Paulo Avelino, Enrique Gil, Daniel Padilla at Ai-Ai delas Alas.

    Maganda na ring makapagpahinga kahit isang buwan lang si Regine para mapaghandaan ang concert series niya sa October.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here