Nababahala ang maraming magsasaka sa Nueva Ecija na nagtanim ng binhi ng hybrid rice. Napansin nila na bansot o hindi mabilis lumaki ang kanilang tanim at kahit mahigit pa lang na isang buwan na naitatanim ay mayroon nang mga tanim na namumunga!
Katulad ni Aling Vivenia Valenton ng Barangay Tondod, San Jose City. Iyong kanilang lupa, na pinagtutulungan nilang asikasuhin ng kanyang asawang si Mang Epifanio, ay tinamnan nila ng hybrid rice.
Dati na silang nagtatanim at nag-aani ng hybrid rice. Noon ngang tag-araw ng 2007, ang inani nila sa isang ektarya ay 148 kaban na kumpara sa ani ng mga inbred rice ay malaki na ring ani. Ngayon ngang palagad o off-season planting, na karaniwang mas malaki ang ani kaysa kung tag-ulan, ay nagtanim sila uli ng hybrid rice.
Pero nanlulumo sila ngayon.
Ang inaasahan nilang magandang bulas ng kanilang tanim ay hindi nila nakikita sa kanilang hybrid rice. Bansot ang karamihan sa kanilang tanim. Inaasahan na nilang sa panahong ito ay hanggang tuhod na ang taas ng kanilang tanim na palay. Nguni’t maliliit nga. Hindi rin nagbigay ng maraming suwi (tillers) ang kanilang itinundos na mga punla. Kung marami kasing suwi, dadami rin ang halamang lalaki at mamumunga.
Ang malungkot pa, may mga namumunga na sa kanilang tanim na palay gayong kung tutuusin ay mga bata pa ito. Maiikli ang uhay ng bunga at kakaunti lamang ang mga butil.
“Kung ganito lang ang mangyayari hanggang sa anihan, malamang na wala pang 50 kaban ang aming aanihin. Lalo kaming mababaon sa utang niya,” ani Aling Vivenia.
Hindi lang si Aling Vivenia ang may kahalintulad na problema. Nang magtungo kami roon sa nasabing barangay ay mga 30 iba pang magsasaka ang nagpahayag ng gayon ding problema.
Ang kanila raw binhing hybrid ay galing sa tanggapan ng city agriculturist na siyang tumanggap naman ng binhing may subsidiya ng pamahalaan. Tig-P2,500 ang naging bayad nila kada isang bag na may 20 kilogramo. Iyon namang karagdagang P1,500 ay siya namang tulong na panustos ng gobyerno.
Sabi noong technician na nakasasakop sa nasabing barangay, mga 500 bag daw ng binhing hybrid ang naipamahagi niya sa mga magsasaka sa nasabing barangay.
Nasabi na rin sa kanya ang problema at nadalaw na rin niya ang mga palayang may tanim na hybrid. Maghintay pa raw ng ilang araw habang inoobserbahan ang mga tanim.
Ayon sa ulat, libu-libo pang mga magsasaka sa iba’t ibang bayan at lunsod ng Nueva Ecija na gumamit ng binhing hybrid ang may gayon ding problema. Inuulan tuloy nila ng reklamo ang tanggapang nagpamahagi ng binhi.
Ayon kay Provincial Agriculturist Serafin Santos ng Nueva Ecija, mga 15,000 bag daw ng gayong hybrid rice seeds ang naipamahagi sa iba’t ibang bayan at lunsod ng Nueva Ecija.
Sinabi rin niya na tatlong team na binubuo ng kinatawan sa kanyang tanggapan, PhilRice, Kagawaran ng Agrikultura, at kinatawan ng kumpanya na nagbenta ng binhi ang naglilibot at nagsisiyasat.
Sa pangunang ulat, kinumpirma niya na may problema nga na katulad ng sa barangay Tondod. Sinabi rin niya na napag-alaman niya sa kinatawan ng kumpanya na may napahalong off-type na mga buto na galing sa China. Ang mga off-type na buto ang siyang mga namumunga ng una.
Sinabi niya na mga 2 hanggang 3 porciento lang sa mga naitanim na hybrid ang namumunga agad. Maglalabas daw sila ng “package of technology” para mabigyan ng kaukulang tulong sa paglaki iyong ibang mga tanim.
Kasalukuyan din nilang inaalam kung ilang magsasaka ang nakatanggap ng mga depektibong binhi.
Pansamantala munang hindi pinangalanan ang may depektong binhi ng hybrid rice na inirereklamo.
Nagkaroon na rin ng ganitong problema sa Isabela noong taong 2000. Mahigit na 1,400 bag ng binhing hybrid ang naipamahagi sa mga magsasaka. Hindi rin lumaki ang mga tanim na palay at namunga pa agad. Malaki ang nalugi sa mga magsasaka.
Nagalit ang mga magsasaka. Nag-rally sila sa harap ng tanggapan ng Department of Agriculture sa Isabela na siyang nagpapalaganap doon ng binhing hybrid.
Para maibsan ang galit ng mga magsasaka, binayaran ang mga magsasaka ayon sa ulat.
Iyang hybrid rice ay talagang kakaiba kaysa sa inbred rice. Malalaki ang mga ito na umaabot ang taas na mahigit isang metro, maraming butil ang mga uhay na umaabot ng mula 150 hanggang 390 o higit pa, at maraming suwi na namumunga rin. Kaya lang delikado ang produksiyon ng binhi. Kailangang sunding maigi ang mga hakbang sa pag-aalaga at pagpapabunga ng mga halamang pagkukunan ng binhi.
Kapag may mali sa proseso, tiyak magkakaroon ng problema ang mga magsasaka. Iyong aasahan nilang malaking ani ay magiging kakarampot.
Sana ay matulungan agad ang kaawa-awang mga magsasakang naapektuhan. Sila ay masasama sa bilang ng mga naghihirap ng Filipino dahil sa pandaigdigang krisis sa ekonomiya.