Nauna nang nagpakasal sina Alma at Mayor Salic sa isang civil rite.
According to a source, tutol diumano si dating Parañaque mayor Joey Marquez sa pagpapakasal ng dating asawa. Bukod dito, nagtampo rin diumano ang solong anak na babae ni Alma na si Wyn-Wyn nang malaman na lang niya na ikinasal na pala ang kanyang ina sa ibang lalake.
May anak sa ibang babae si Mayor. Mismong ang anak na babae ni Mayor Salic ang nagpapakilala sa kanya at nagbabanta na lalabas sila ng kanyang ina. Pabubulaanan daw nila ang sinasabi ni Alma at ilalantad na hindi lang siya ang pinakasalan ni Mayor Salic.
Pero kung Muslim nga ang bagong mister ni Alma, puwede itong magpakasal hanggang apat na beses kung saka-sakali.