Noong pumasok ang COVID-19 virus sa bansa, karamihan sa mga nagkasakit ay hindi ready sa malaking gastusin dahil walang emergency fund. Ano nga ba ito at bakit importanteng magkaroon ng pondo para dito?
Ang emergeny fund ay ang itinabing pera na maaaring gamitin anumang oras na kailanganin ito. Ito ay tinatawag din na “contingency fund” kung saan ang kabuuang halaga ay maaaring pang-tawid gastos ng tatlong buwan hanggang isang taon.
Ayon sa mga financial expert, mahalaga ang may emergency fund para hindi mahirapan kung saan kukuha ng pera pag nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari gaya ng pandemya.
Mainam na may naitabing pondo para walang pag-aalala sa gastusin kung mayroon mang magkasakit na isang miyembro ng pamilya, may nawalan ng trabaho, o masalanta ang bahay o tanim dahil sa mga natural disaster tulad ng bagyo, lindol, tagtuyot o pagbaha.
Guide sa pagbuo ng emergency fund
Payo ni Albert O. Quiogue, first vice president ng BDO Network Bank (BDONB), “Mahalagang simulan ang pag-iipon ngayon. Ang tamang pagba-budget ng pera o kita ay dapat ding matutunan. Kung nais magnegosyo, aralin munang maigi kung anong business ang papasukin.”
Nais ng BDONB, ang community bank ng BDO Unibank, na maibahagi ang kahalagahan ng pag-iipon at pagbuo ng emergency fund para maging handa sa panahon ng pangangailangan. Maaari itong simulan sa pagkakaroon ng account sa bangko para masiguradong safe ang inipon. Ang perang inipon ay lumalago mula sa kitang interest lalo na kung hindi bababa sa Php500 ang savings kada buwan.
Simple lang ang proseso para magbukas ng account. Maghanda lamang ng valid I.D. at 100 pesos bilang initial deposit. Pumunta sa pinakamalapit na BDONB branch sa inyong lugar at i-submit ang mga requirements para magkaroon ng BDONB Kabayan savings account.
Para naman sa nais magkaroon ng ATM card, kailangan lang maghanda ng Php100 at pwede ng maka-withdraw ng pera sa BDO and BDONB ATMs nationwide at Cash Agad partner-agents.
Para sa iba pang mga impormasyon tungkol sa produkto at serbisyo ng BDONB, bisitahin ang www.bdonetworkbank.com.ph o ang official facebook page https://www.facebook.com/BDONetworkBankPH.