Home Opinion May bagong buhay na maasahan kina BBM at Sara

May bagong buhay na maasahan kina BBM at Sara

934
0
SHARE

TAMA lang marahil ang naging desisyon
ni senador Bong Go, na kanyang iurong
ang atas sa kanya ning pangulong Digong
na siya’ng sa iiwan n’yan magpapatuloy?

Sa himig ng kwenta na naging habilin
ni Duterte kay Go, na hindi lang anim,
kundi walo nga lang yata itong tanging
‘di nuisance candidates out of ninety seven’.

Kung saan kahit na siya’y di umatras,
ni ang pang-tatlo o ang puestong pang-apat
di nito marahil makuhang maakyat
dahil may iba pang higit na malakas.

Kaya para mapag-bigyan lang si Digong,
itaya ni Go sa ganyang kumpetisyon
ang kanyang dignidad at taglay na honor,
mas makabubuti ang naging desisyon.

Na umatras na nga kaysa isugal niya
ang sarili sa isang ika nga’y tiyak na
pagkatalo’t walang tanging ibubunga
kundi upasala sa mata ng masa.

Tayo man marahil ang siyang lumagay
sa nag-uumpugan na dalawang bagay,
na ikapuri at sa isa pagsuway,
di nga ba’t sa tama marapat lumagay?

Kahima’t mahal niya, kung sa isang banda
itong si (Bong Go) ang papasan kumbaga
sa suliranin ni Digong sa pamilya,
malamang kung minsan ay kapintasan pa.

Di lingid sa lahat, mag-ama si Digong
at Sara kung kaya isa sa maugong
na usap-usapan itong ‘talk of the town’
ang hinggil sa sila’y hiwalay ng ‘faction’.

Magka- ‘tandem’ itong si Bongbong at Sara
sa KBL Party; aywan kung ang ama
ni Mam kung kanino ‘yan naka-alyansa,
kaanib o kahit ‘adopted’ lang siya!

Di maikakaila sa puntong nasabi
na itong magkaka-pamilyang Duterte,
di nagkakaisa o walang ‘unity’
kaya kanya-kanya sila ng diskarte.

Kung saan malimit si pangulong Digong
may mga sandaling ang kanyang suhestyon
di pinakikinggan ng anak niyang mayor,
gaya ng pagtakbong pangulo tinuloy?

Kaya ang aniya’y di trabahong babae
ang pagka-pangulo tahasang binale-
wala nga lang ni Mam kaya si Duterte
sa inasal n’yan ay napahiya bale?

Ayaw mang biguhin ni Bong Go si Digong
sa pag-indorso n’yan kay ‘sitting senator’
para masungkit n’yan ang ‘highest position’
sa’ting Inangbansa tuluyang na ‘dead ball’.

Subalit kay Sara ‘may bago ng silang,
may bago ng buhay’ ang sila’y mahirang
bilang ‘vice president’ at si Bongbong naman,
bilang pangulo ng maharlikang bayan.

Na itinadhanang sa bayan sasagip
ng ‘divine power’ na wala nang higit
sa anumang bagay dito sa daigdig,
maliban sa Ama, na nasa sa Langit!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here