Buntis na ang singer-actress-TV host na si Iya Villania sa magiging panganay nila ng husband niyang si Drew Arellano. Buntis din sa ikatlong pagkakataon ang misis ni Oyo Sotto na si Kristine Hermosa. Malapit na ring isilang ni Isabel Oli ang magiging fi rst born nila ng husband niyang si John Prats na isang baby girl ganundin ang Italian girlfriend ni James Yap na si Michela Cazzola na boy naman ang nakatakdang isilang.
Halos fourteen weeks na ang ipinagbubuntis ngayon ng dating Kapuso actress na si Nadine Samonte courtesy of her husband na si Richard Chua, ang kaisa-isang anak ng actressbusinesswoman na si Isabel Rivas.
Since kasisimula pa lamang ng ikalawang quarter ng taon, tiyak na may iba pang female celebrities ang inaasahang mabubuntis sa taong ito. Kasama na nga kaya rito ang bagong misis ni Vic Sotto na si Pauleen Luna?