AYAW makisawsaw ni Maui Taylor sa patuloy na away ng kapwa Hot Babes na sina Gwen Garci at Andrea del Rosario.
After all, sa kanilang tatlo, mas may career pang nasisilip sa petite sexy actress lalo na’t nakagawa siya ng isang Korean movie na A Taste of Money na ipalalabas next week.
“Matagal na po ’yon. Out na po ako doon!” rason ni Maui nang matanong ang isyu sa kanya sa interview niya kaugnay ng movie.
Wala bang effort upang pagbatiin ang dalawa?
“Actually, nag-meet kami kasama ang mga boss (ng Viva). Trinay po namin silang pag-usapin. Pero siguro, may isang side lang talaga na medyo mainit pa. So, hindi naman natin kayang pilitin kung medyo mainit pa ang isang side,” rason ng seksi aktres.
Isa rin sa mga dahilan kung bakit tinanggap ni Maui ang Korean movie ay dahil loveless uli siya ngayon.
“I want a change of environment. So, kaya ko tinanggap ’yon. Dating naman ako. Nobody in particular.
Heartbroken na ako nu’ng ginawa ko ang movie. Sobra kaya ’yung crying scene ko doon, nabuhos kong talaga. Naka-relate ako.
Doon ko nilabas,” pahayag ni Maui.
Feeling ni Maui, batambata pa siya sa edad niyang 30 years old kaya ayaw niyang siguraduhin na ’yung lalaking makakarelasyon niya ay last na sa buhay niya.
Basta si Maui, very proud sa performance niya sa Korean movie na nakatakdang isali sa competition sa Cannes Film Festival.