Home Opinion Matuto tayong sumunod sa batas

Matuto tayong sumunod sa batas

1323
0
SHARE

Dito sa bayan ng Araw, Dagat at Buwan
napagtuunan ko ng pansin, Kabayan
ang sa tingin din ng iba di maalam
sa kung anong dapat d’yan na matutuhan .

Nitong bagong halal dito sa nasabing
bayan, barangay ng agos ay matulin
ang bansag, pero ang ‘set of officers’ namin
sa ngayon aywan kung gaano kagaling.

Aywan ko lang kung nakapag-seminar na
sa kung anong dapat matutuhan nila;
ang naka-tsinelas, naka- ‘short pant,’ saka
nakasando lamang, bawal yan noon pa.

Kawalan nga kasi ng tamang respeto
sa alin pa mang tanggapan ng gobyerno
ang ganyan kung kaya batid na siguro
ng nakararaming respetadong tao.

Isa nga ang hinggil sa dapat isuot
ng lahat na pati na rin ang basalyos
nu Kap upang lahat matutong sumunod
sa kung anong bagay na ipinag-utos.

May nasampolan na dito po sa amin
na isang ‘barangay chair’siya pa mandin,
na kahit anong dahilan ang sabihin
ni Kap – sa ‘DFA guard NO ‘yan sa hiling;

Na maka-pasok nga ang kahit sino pa
gaya ng nangyari r’yan kay Kapitana
nang sa DFA ay kami ay nagpunta
para magsumite ng ‘request’ nga sana.

Upang mapabilis maiuwi agad
ang bangkay ng isa riyan sa kaanak
nila mismo pero hindi nga pumayag
ang ‘Guard,’ kaya ako itong pina-akyat.

Maliban pa kay Kap, may nakasabay na
di rin pinapasok ng naturang guardiya,
ang suot korto lang at sa kanyang blusa
maahaninag ang kambal na ‘Tralala’.

Yan sa DFA nga nangyari at lahat
kung saan ang bida sana ang dating Kap
(R.I.P.) sa isang opisyal na lakad,
na di pinagbigyan ng ‘security guard’.

Dahil naka- ‘short pant’ nga ng ubod ikli
kaya’t ako itong pumanhik sandali
upang isumite ang ‘death cert’ sandali
‘To whom it may concers,’ bago nakauwi.

Isa yan sa naging aking karanasan,
hinggil sa isyu ng ipinagbabawal
na isuot kapag mayrung pupuntahan,
lalo sa tanggapang pangpamahalaan.

Kung akong ito ay di nila kasama
sa lakad na iyon, tiyak napurnada
ang sa ‘DFA’ nga dagliang pagpunta
para sa lakad na napakahalaga.

Kaya nang dahil sa di inaasahan
namin na mahigpit na ang patakaran
hinggil sa ‘dress code’ na ipinaiiral,
huwag ipangahas ang kahit na sino r’yan !~.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here