Matteo G awang-awa kay KZ T

    387
    0
    SHARE
    Ipinagtanggol ni Matteo Guidicelli ang singer na si KZ Tandingan na umani ng pambabatikos dahil umano sa kakaibang pakikipagtinginan nito sa boyfriend ni Sarah Geronimo sa isang duet na ginawa nila kamakailan.

    Sa presscon kahapon para sa first solo concert niyang MG1, na gaganapin sa Music Museum sa November 28, nilinaw ni Matteo na matagal na silang magkaibigan ni KZ. Nakakaawa raw ito dahil wala namang dahilan para i-bash ng fans.

    Dagdag pa niya, naging close sila ni KZ dahil sa trabaho at sa pagiging pareho nilang Bisaya.

    Pagdating naman sa relationship sa girlfriend na si Sarah, tigas-tanggi pa rin si Matteo na makasama sa trabaho ang Pop Princess.

    Aniya, girlfriend niya si Sarah at hindi work partner. Kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang paghiwalayin ang trabaho at personal nilang relasyon.

    “Hindi naman sa ayaw, but I think that’s the smart thing to do… to do it on my own so that people won’t think that I’m using her,” depensa pa ni Matteo nang tanungin kung bakit wala sa line-up ng MG1 guests niya ang GF, maging sa debut album niyang iri-release sa first week of November.

    Sa MG1, sina Martin Nievera at Morisette ang makakasama ni Matteo as guests.

    Ballads at medleys ang babanatan ng aktor na matagal na palang nangangarap maging singer.

    Magdu-duet sila ni Martin sa Ogie Alcasid song na Sa Kanya.

    Aniya pa, exciting ang magiging show dahil kakantahin din niya ang ilang cuts sa kauna-unahang CD, isa na rito ang kantang inaalay niya kay Sarah, ang Ipapadama.

    “Ang concept ng song, pati sa music video, are the things I’ve done for the person I love,” diin ng aktor.

    Sa ngayon daw, ang alam niya’y busy na rin sa pagri-rehearse si Sarah para sa sariling concert, From the Top, na gagawin sa Araneta Coliseum sa December.

    Pero, may advise naman daw ito sa kanya at ito ay ang: “Ibigay ko lang daw ang puso ko sa kanta.”

    Produced ng Hills&Dreams Events Concepts, Co., ang MG1 ay ididirek ni Frank Lloyd Mamaril with Marvin Querido as musical director. Ang tickets ay mabibili sa Ticketworld outlets.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here