NORZAGARAY, Bulacan – Muling iginiit ni Gob. Wilhelmino Alvarado ang panukalang pagkumpuni sa 43-taon na Angat dam na matatagpuan sa bayang ito.
Ito ay matapos masalanta ng tsunami ang mga bayan at lungsod sa bansang Japan bunga ng lindol na may lakas na 8.9 magnitude sa nasabing bansa noong Biyernes, Marso 11.
Ang nasabing tsunami at lindol ay naging dahilan ng pagkasawi ng libong katao, pagkasira ng mga bahay, gusali at iba pang imprastraktura, at pagkakaroon ng lamat ng mga plantang nukleyar na kung hindi maaagapan ay maghahatid ng higit na malawak at malagim na trahedya.
Kailangang pagtuunan natin ngayon ng pansin ang kalagayan ng Angat dam dahil binalaan na tayo ng Phivolcs noong 2008 na iyon ay nakaupo sa dulo ng Marikina West Valley fault line,” ani Alvarado patungkol sa naging babala ni Dr. Renato Solidum, ang direktor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang pahayag ni Alvarado ay isinahimpapawid sa DWSS 1494 Khz kung saan isinasahimpapawid ang kanyang lingguhang palatuntunang “The Governor’s Hour” tuwing Sabado bilang bahagi ng kanyang panayam at pag-uulat sa mga Bulakenyo.
Sinabi niya na dapat pangunahan ng pamahalaang pambansa ang pagsasagawa ng isang feasibility study para sa katatagan ng dam na sinimulang gamitin noong 1968.
Iginiit niya na binanggit na niya kay Pangulong Benigno Aquino III ang kalagayan ng sila ay magkausap kamakailan.
“Hindi sa tinatakot natin ang taumbayan, ngunit malayong posibilidad ang babala ng Phivocs. Mas maganada ay maghanda tayo habang may panahon.
Ayon sa gobernador, kailangan kunsultahin na ng pamahalaang pambansa ang mga dalubhasa mula sa ibayong dagat upang pag-aralan ang kalagayan ng dam.
“I think Angat dam must be retrofitted, dahil noong nadiskubre ang retrofitting ay naitayo na ang dam sa ibabaw ng Marikina faultline,” aniya at binanggit na ang bansa ay kabilang sa tinatawag na Pacific Rim of Fire o hanay ng mga bulkan na maaaring pumutok at magsanhi ng paggalaw ng mga tectonic plates sa ilalim ng lupa at karagatan na magbubunga ng malakas na lindol.
Batay sa naunang panayam ng Punto kay Solidum, ipinaliwanag niya na ang Marikina Fault line ay nakabalatay sa ilalim ng lupa mula sa Angat dam hanggang Taal Lake sa lalawigan ng Batangas.
Ayon kay Solidum, ang Marikina Faultline ay gumagalaw at nagbubunga ng malakas na lidol tuwing ika-200 hanggang ika-400 taon.
“It can move anytime dahil tapos na yung 400 year period,” ani Solidum.
Batay sa pagtala ng Phivolcs, kapag gumalaw ang ma Marikina Fault line, ito ay maaring magbunga ng lindol na may lakas na 7.2 magnitude.
“The longer the fault line, the stronger the earthquake,” ani Solidum ay nagbabala na “ Bulacan must prepare for the worst.”
Ang babalang ito ay inayunan naman Office of Civil Defense(OCD) sa Gitnang Luzon matapos magsagawa ng isang earthquake drill sa Bulacan State University noong nakaraang taon.
Ayon kay Neri Amparo, direktor ng OCD-III, hindi man masentro sa Bulacan ang lindol, apektado pa rin ito.
“Halimbawang nasa Maynila ang epicenter, apektado pa rin ang Bulacan at Pampanga dahil malawak ang sakop ng pagyanig,” ani Amparo.
Sinabi pa niya na kung sakaling magkroon ng pagguho ng mga gusali sa Bulacan, mas malaking problema ito sa mga rescue group.