MATAPOS ANG 6 NA BUWAN
    Pagtatalaga sa NE police director, nilagdaan ni Umali

    447
    0
    SHARE
    CABANATUAN CITY – Nilagdaan kahapon ni Gov. Aurelio Umali ang pagtatalaga kay Senior Supt. Ricardo Marquez bilang full-time na director ng Nueva Ecija POlice Provincial Office (NEPPO).

    Sa kanyang pagsasalita bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng ika-18 taong anibersaryo ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni Umali na nakumbinsi siya sa paninindigan ni Marquez para sa “rule of law.”

    Magkatulad aniya sila sa pagnanais na sugpuin ang mga kriminal, kabilang na ang mga gang at sindikato sa iligal na droga.

    Si Marquez ay nagsimulang manungkulan bilang officer-in-charge (OIC) ng NEPPO noong July 31, 2008.

    Ayon kay Marquez, marami ang “doomsayers” na nagsasabi sa kanyang wala nang magagawa sa malubahang problema ng kaayusan at kapayapaan sa Nueva Ecija. Ngunit, sabi niya, naniniwala siyang ang pananaig ng batas ay mangyayari.

    Sa anim na buwang nagdaan, ani Marquez, maraming baril ang nakumpiska at mga kriminal ang naaresto at napatay. Kabilang sa malalaking grupo, ayon sa kanya, ay ang kay Nilo Sarmiento na sangkot umano sa pagpaslang ng ilang opisyal ng barangay at robbery-hold-up.

    Pinuri ito ni Umali kasabay ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

    Sa pagwawakas ng kanyang pananalita ay binanggit ni Marquez ang “era of change” samnatalang “pagbabago” naman ang kay Umali.

    Ipinahayag naman ni Chief Supt. Gil Meneses, deputy regional director, ng PNP-Gitnang Luzon na malaking bagay para sa isang PD ang lubusang pagtanggap ng gubernador.

    Mas epektibo, ani Meneses, na maipatutupad ni Marquez ang kanyang programa sa panlalawigang pulisya ngayong siya ay full-time PD na.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here