Matapang na desisyon ni Kris Aquino pinuri ni Vice Ganda

    391
    0
    SHARE

    Puring-puri ni Vice Ganda ang kaibigang si Kris Aquino sa ginawa nitong pagsasakripisyo para sa dalawang anak na sina Joshua at Baby James.

    Sa panayam sa box-office comedian last Sunday sa The Buzz, he commended Kris’ courage and strength sa naging announcement na iwan na ang showbiz.

    “Ang tapang ng ginawa niya. Hindi lahat makaka-afford nun, kahit sino pang sikat na tao. Hindi biro ang pagre-resign. Ang daming talamak sa kapangyarihan, takam sa kasikatan, sa salapi, pero siya igi-give up niya iyon para sa dalawang anak niya. Sobrang tapang nun bilang isang babae,” papuri at paghanga ni Vice Ganda sa kaibigan.

    Ayon pa sa komedyante, talagang nagulat siya sa panayam na ’yun ni Kris sa TV Patrol two weeks ago kung saan ay inanunsyo nga ng Queen of All Media na nagre-resign siya sa kanyang mga show.

    “Nabigla ako na nag-resign. Hindi ko kasi alam na may ganu’n siyang plano. Nu’ng dumating ako galing Australia, magkausap kami sa telepono. Sabi niya, ‘Usap tayo, marami akong isi-share sa iyo.’ Hindi naman ako nakapunta,” kuwento ni Vice.

    Kahit paano ay privy naman si Vice Ganda sa problema ni Kris sa ex-husband na si James pero aniya, hindi buo ang alam niya. But anuman daw ang mangyari, buung-buo ang suporta niya sa kaibigan.

    “Wala talaga akong idea pa kung ano ang kabuuan pero kung ano man iyon, suportado ko naman siya lagi kahit ano pa iyan. Kakampihan at kakampihan ko si Kris. Alam naman ng tao na transparent iyon, kung ano ang nararamdaman niya. Nandito lang ako para sa kanya lagi, kay Kris, Bimby and Josh,” he said.

    Samantala, kasalukuyan pa ring nasa Europe si Kris kasama ang dalawang anak and will be back on April 5.

    Pagdating niya ay ipagpapatuloy pa rin niya ang mga commitments niya with Pilipinas Got Talent.

    Pero ang Kris TV ay namimiligro na niyang balikan dahil ayon nga sa kanyang huling panayam, bagama’t mahal na mahal niya ang morning show at ang buong staff nito, ito raw ang unang masasakripisyo.

    But then, sabi nga ng isa sa kanyang managers at kaibigang si Boy Abunda, pagdating ni Kris ay magkakaroon pa ng masinsinang pag-uusap with the management.

    Hopefully, mahilot ng management si Kris because let’s face it, kailangan naman siya talaga ng ABS-CBN bilang siya ang reigning Queen of Talk sa industry.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here