ORANI, Bataan – Isang matandang babae ang namatay matapos magtamo ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nang pasukin diumano ng isang magnanakaw sa kanyang bahay sa Centro Dos, Orani, Bataan Martes ng hapon.
Sinabi ng Funeraria Punzalan na si Julita Capili, 68, isang matandang dalaga, ay may apat na saksak sa ulo, kamay at iba pang bahagi ng katawan. Natagpuan umano siyang patay bandang alas-4:15 ng hapon sa loob ng kanyang bahay.
Si Capili umano ay isang retired government employee at may sariling sari-sari store sa mismong bungad ng kanyang tirahan.
Ayon sa kaanak, isang bulag na babae ang tanging kasama ng matanda nang mangyari ang pamamaslang. Maaari umanong nanlaban ang biktima kaya ang mga dugo ay nakitang nakakalat sa salas at mismong silid nito.
Matibay ang paniniwala ng isang kapatid na lalaki ng biktima na ang pumaslang ay magnanakaw at kasalukuyan pa aniyang tinitingan kung ano ang mga nawala. Patuloy pa ang pulisya ng Orani sa kanilang masusing imbestigasyon.