LUNGSOD NG MALOLOS – Nakiisa ang mga mamamahayag at mag-aaral sa Bulacan sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day noong Martes kung saan ay binigyang diin ang panawagan para sa mataas na antas ng pamamahayag.
Ang pagdiriwang ay kaugnay ng paggunita sa ika-20 taong pagdedeklara sa nasabing araw ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco) matapos ang isang kumperensiya sa Windhoek, Namibia noong 1991 na nagsulong ng malayang pamamahayag para sa kaunlaran at pagapapanatili ng demokrasya sa mundo.
Ang paggunita sa Bulacan ay tinampukan ng malayang talakayan sa pagitan ng may 40 mamamahayag at mga mag-aaral hinggil sa kahalagahan ng malayang pamamahayag, at pagpupugay kay Jose Pavia, ang yumaong publisher at editor-in-chief ng Mabuhay, isang lokal na pahayagan sa Bulacan.
Sa oras ng malayang talakayan, inilahad ng mga beteranong mamama-hayag na sina Joey Munsayac, Nedne Bundoc Ocampo, Peping Raymundo at Bienvenido Ramos ang kanilang karanasan sa panahon ng martial law.
Para sa kanila, hindi imposibleng maulit ang panggigipit sa mga mama-mahayag kung magpapabaya ang mga ito sa kalidad ng pamamahayag.
Kinatigan naman ito ng pahayagang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Bulacan chapter kung saan ay sinabing matapos mahigit isang dekada ng paggigipit sa mamamahayag sa bansa sa ilalim ng batas militar, patuloy pa rin ang banta sa malayang pamamahayag.
Dahil sinabi ng NUJP Bulacan na ang pinakamabisang sandata sa mga banta sa pamamahayag ay ang mataas na antas ng pamamahayag.
“Ito ay dahil sa kagalingan o mataas na antas ng pamamahayag ang nananatiling mabisang sandata natin noon, ngayon, at bukas. Maaaring ang mga makabagong kagamitan ay makatulong sa atin sa mabilis na pagtupad sa ating tungkulin; ngunit hindi pa rin maaaring isakripisyo ang mga aral ng accuracy (angkop na pagbabalita), balance (patas na pamamahayag), context (konteksto o kabuuang pananaw), detachment (hindi naiimpluwensiyahan), excellence (kagalingan) at fairness (walang kinikilingan), at iba pa,” ani ng NUJP-Bulacan.
Nanawagan naman ang Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) sa mga mamamahayag na magsagawa ng “self examination, self-regulation and reform” at sinabing ito ang mabisang paraan upang maipagtanggol ang malayang pamamahayag.
“The tasks of the media advocacy and journalists’ organizations remain as urgent as ever: it is to defend press freedom in difficult circumstances through self-examination, self -regulation and reform. The process has been difficult and as glacial in pace as everything else has been in the Philippine setting, but it is essential that the effort at self criticism and self regulation for the sake of better media and the defense of press freedom are pursued with renewed vigor and commitment,” ani ng CMFR.
Sa Bangkok, inilabas naman ng Southeast Asian Press Alliance (SEAPA) ang isang pahayag noong Lunes na may titulong “Shooting the messenger, undermining democracy.”
Ang pambungad na pananalita ng SEAPA sa kanilang pahayag ay “Of all the attacks against media and its practitioners, none is more heinous than the slaying of journalists – and getting away with murder.”
Binanggit din nila na pitong mamamahayag sa mga bansa sa South East Asia ang pinaslang sa taong 2010 kabilang ang apat mula sa Pilipinas. Sa taong ito, dalawang mamamahayag ang pinaslang sa bansa.
Ayon sa SEAPA, “the Philippines has the dubious record of having the highest number of journalists killed in the line of duty in a single incident. We are referring to the Ampatuan Massacre, in which 33 media workers were shot dead in politically-related circumstances. The killings continue. This year, two were slain.”
Nagpahayag din ng pagkabagot ang SEAPA sa pamamaslang sa mga mamamahayag at mabagal na pagsulong ng hustisya sa bansa.
Hiniling din ng SEAPA sa administrasyong Aquino na pabilisin ang pag-usig sa kaso ng pamamaslang sa mga mamamahayag at binigyang diin na “killing the messenger of bad tidings does not solve the problem of those in power. These heinous acts only further put a democratic society in danger.”
Sa Paris, umapela si Unesco Director General Irina Bokova sa mga pinuno ng mga bansa na “to uphold their commitments in protecting and promoting freedom of expression and freedom of the press, which are the foundations of all democratic societies.”
Nagpahayag din ng pagkabahala si Bokova sa patuloy na pamamaslang sa mga mamamahayag sa ibat-ibang panig ng mundo.
“I welcome positive developments in recent months regarding freedom of expression and the progressive lifting of restrictions on press freedom in Egypt and Tunisia. But I also urge other governments in the region to step up their efforts to meet the aspirations of their citizens and open the way for the full enjoyment of the basic human right of freedom of expression. The freedom to speak and the freedom to write are essential preconditions for the transition towards democracy and good governance,” ani Bokova sa pahayag na inilabas ng Unesco.