‘Mass oath-taking at Lubao church’

    453
    0
    SHARE

    (Karugtong ng sinundang isyu)

    Ng kanyang mensahe patama sa bawat
    Isa sa kapwa niya ‘elected officiala,’
    At  buong lugod na kanyang hinikayat
    Na sana ay magkaisa silang lahat

    Sa iisang landas na magiging daan
    Ng pag-unlad nitong ating lalawigan,
    At ikabubuti pati ng ugnayan
    Nitong mga bagong halal na opisyal

    At ang aniya’y “Agyang e ko’ kampi-kampi
    ketang milabas a alalan, ing buri
    ku sana arap ning Obispo’t ding Pari
    ipangaku ta’ ing bayu kayu muli

    Kalinguan tana’ing milabas a eleksyon
    kalual king pisamban” – at misasanmetung
    Magobra para king malagung paintungul
    Na ning Pampanga ing nasa nang Governor.
               
    “Pinili ko” aniya, “na dito ganapin,
    Sa matandang simbahan ng San Agustin
    Itong maramihan po naming ‘oath-taking’
    Upang ito’y maging memorable sa ‘atin.

    At di malimutan ng kapwa ko halal
    Na opisyales ang ipinangako n’yan
    Sa Obispo’t ating mga Kaparian
    Ang sa kanila ay aking kahilingan”.

    Matapos ang misa, isinunod ni Gob
    Ang hinggil sa kanyang mga napatapos
    Na proyekto niyang makailangang lubos
    Sa bayan-bayan at siyudad nitong sakop.

    At isa-isa rin niyang pinamalita
    Sa harap ng bayan ang mga nagawa
    Ng administrasyong Pineda, magmula
    Maupo ang butihing ‘Nanay’ ng madla.

    Mga iskwelahan, ospital at saka
    Ilan pang gusaling pambayan ang una
    Niyang pinagawa maliban sa iba
    Na kasalukuyang ‘under construction’ pa

    Sapagkat batid ng ating Gobernador
    Na higit at lubos siyang makatutulong
    Sa sambayanan kung itong edukasyon
    At kalusugan ang unang maisusulong.

    Pati kung magkano ang kita sa ‘quarry’
    Ng Kapitolyo ay kanya ring sinabi;
    Na kung saan tila muntik nang dumoble
    Kaysa nang kay Among ay biglang lumaki

    Ang buwanang ‘income’ ng ating probinsya
    Kumpara noon na ang isang taong kita
    Sa panahon ng mag-tatay na artista,
    Na naging Guv din ay pang-‘one month’ lang pala?

    (Kaya nga sa puntong ito’y di milagro
    Nang maituturing ang naturang isyu,
    Gaya r’yan ng pagka-tuklas ni Panlilio
    Nang siya ang maupo d’yan sa Kapitolyo?)

    At iba pang bagay na kasiya-siya
    Ang nabanggit pati ng Gobernadora
    Sa kanyang mensahe na animo’y SOPA
    Na ang dating nito sa bawat bisita

    Pagkat maliban sa ating natalakay
    Hinggil sa malugod na hiling ni ‘Nanay’
    Na sana ay magka-isa na ngang tunay
    Ang lahat para sa maganda niyang pakay

    Na makapaglingkod sa nasasakupan
    Ng bukal sa puso ang serbisyong bigay,
    Ay magkapit-bisig para sa tuluyang
    Pag-unlad ang lubos binigyan ng saysay!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here