Ayon kay Maza, isa sa prayoridad nila ay ang pabahay at nais niyang alamin ang sitwasyon dito para iulat naman kay Pangulong Duterte sa Cabinet meeting sa susunod na linggo.
Aniya, dapat na ang pabahay ay isang serbisyo at hindi dapat na pagkakitaan. Dapat daw pag-aralan na ang mga hindi makabayad ay ibigay na ng libre at gawing mabilisin ang proseso ng pag-award sa mga walang bahay partikular ang miyembro ng Kadamay dahil marami nga ang nakatiwangwang na mga housing unit sa Pandi na hindi naman tinirhan ng mga recipients.
Dapat daw na pag-aralan ng NHA kung qualifi ed pa ang mga nabigyang recipients lalo na kung hindi naman ito tinirhan o kung pinaupahan na labag sa patakaran ng pagpapabahay.