Home Headlines Mas malakas na internet connection, inilagay ng DICT sa BPC-San Jose Del...

Mas malakas na internet connection, inilagay ng DICT sa BPC-San Jose Del Monte

655
0
SHARE

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE (PIA) — Pormal nang pinagana ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang ikinabit na libreng internet facility sa San Jose del Monte campus ng Bulacan Polytechnic College o BPC.

Ito’y bilang bahagi ng pagdiriwang ng National ICT Month ngayong Hunyo at ika-anim na anibersaryo ng DICT bilang isang ganap na ahensya sa bisa ng Republic Act 10844.

Ayon kay DICT Regional Director Reynaldo Sy, ito rin ay patuloy na pagpapatupad sa Republic Act 10929 o ang Free Internet Access Program.

Layunin nito na mabigyan ng libreng koneksyon sa internet ang mga mamamayan sa lahat ng mga pampublikong lugar.

Sinabi ni BPC Management Information Systems Department Head Rosemarie Guirre na

tamang-tama ang activation ng pasilidad sa nakatakdang muling pagkakaroon ng face-to-face classes sa Agosto 2022.

Makikinabang ang nasa 200 na mag-aaral na nasa mga kursong technical-vocational gaya ng Computer Secretarial at Contact Center Management.

Ipinaliwanag ni DICT Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic na ang Free Internet Access Program ay naaayon sa ilang target ng Sustainable Development Goals ng United Nations.

Kabilang na ang Quality Education; Gender Equality; Industry, Innovation and Infrastructure; Reduced Inequality; Partnership to Achieve the Goals.

Matutugunan aniya nito ang Digital Divide o ang hindi pagkakaabot sa koneksyon sa internet lalo na ang mga pinaka karaniwang mamamayan.

Kaya naman tutulong ang United Nations Development Programme sa DICT upang makapagsagawa ng area-based network analysis sa mga  free internet access hotspots at live sites.

Tiniyak ni UNDP-Philippines resident representative Selva Ramachandran na susuriin nila ang proyektong ito upang makita kung anu-anong uri ng mga technical training ang kanilang ipagkakaloob upang mas mapabuti ang Free Internet Access Program.

May 58 live sites at 222 hotspots sites na sa Bulacan sa ilalim ng naturang inisyatiba. (CLJD/SFV-PIA 3)

Pormal nang pinagana ng Department of Information and Communications Technology ang ikinabit na libreng internet facility sa San Jose del Monte campus ng Bulacan Polytechnic College. (Shane F. Velasco/PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here