Sino naman kaya ang makalilimot kung paano nadiskubre ng ABS-CBN si Marvin Agustin. Kasabay niya na inilunsad ng network si Diether Ocampo noong mid-90s. Sila bale ang unang batch ng talent ng Dos and we saw kung gaano kagrandiyoso kung paano nga sila na-build up noon.
Kumbaga, sa ABS-CBN talaga nagkapangalan si Marvin Agustin, pero bakit ni walang pahaging na kahit na maliit na ty lang sa mga taong nagmalasakit sa kanya sa ABS-CBN?
Kawalang-utang na loob o sadyang in-edit out ang entry ng buhay ni Marvin Agustin sa Dos para nga masolo ng GMA 7 ang limelight nang bigyan ito ng tribute sa SOP noon Linggo?
Tama ka, Ogie Diaz, naniniwala kami sa ‘yong observation.
We are quoting Ogie Diaz’ column sa kanyang pahayag tungkol sa ‘missing page’ sa buhay ni Marvin Agustin.
Maganda sana ang “tribute” na ginawa ng Showbiz Central para kay Marvin Agustin. Nandu’n ang mommy niya, nagsabi kung gaano kasipag na bata si Marvin. Nag-iisip kung paano ito kikita.
’Yung tita ni Marvin, nagsabing nag-iigib ng tubig si Marvin at itinutulak nito ng cart. ’Yung teacher ni Marvin nu’ng high school ay nagpatotoong pinilas ni Marvin ang isang pahina sa encyclopedia na hiniram sa library.
Kaya nga ang title ay “missing page.”
Panay ang thank you ni Marvin sa nanay niya, sa teacher niya, pero pa’no nga ba siyang naging Marvin Agustin? Isa lang ba siyang estudyante noon nu’ng pumasok siya sa GMA-7?
Nag-iigib ba siya ng tubig nu’ng madiskober siya’t dalhin sa GMA-7? Sana, napasalamatan din ni Marvin ang dating istasyong pinanggalingan niya kung saan siya nakilala. Maging ang taong nagdala sa kanya sa ABS-CBN.
’Yun ang “missing page” na sana nga, nakalimutan lang banggitin ni Marvin.