Martin Nievera, Manny Pacquiao kakasuhan ng Cavite congressman

    371
    0
    SHARE
    Magpa-file daw ng complaint laban kina Martin Nievera at Manny Pacquiao ang Cavite congressman na si Elpidio Barzaga, Jr. Alam daw ng kongresista na medyo malabo na maging liable si Martin Nievera sa ilalim ng Flag And Heraldic Code of the Philippines o RA 8491 dahil sa territorial character na limited lang sa loob ng bansa ang coverage nito

    Pero sinabi nito na nais niyang bigyan ng leksyon si Nievera at iba pang Pinoy artists sa maling pagkanta ng Lupang Hinirang. Napanood naman daw kasi via satellite ang maling rendition ni Martin Nievera kung kaya magiging test case daw ito ng mga krimeng may ganitong character.

    Bukod kay Nievera, kakasuhan din daw ni Cong. Barzaga, Jr. si Manny Pacquiqo dahil sa kapang isinuot nito na katipo ng bandila ng Pilipinas. Gaya ng pagkanta ng mali sa Lupang Hinirang, hindi rin daw naaayon sa batas ang pagsusuot ng damit na may katulad na disenyo ng ating bandila. “I have intent to file a test case (criminal) against him (Nievera),” said Barzaga who came from Cavite where Julian Felipe, the composer of Lupang Hinirang, hailed (Cavite City).

    “He could not be charged because of the territorial nature of the law.  Meaning, we can not make accountable persons who committed crime outside the Philippines.  But the singing was aired live in the country, so this is a test case to set jurisprudence.”

    Kakasuhan din ba niya ang Solar Sports at GMA 7 dahil sa pag-air ng maling pagkanta sa Pambansang Awit?

     “I will study but Nievera is my priority.  I will file the test case in the soonest possible time,” sabi pa ni Barzaga.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here