Home Headlines Market vendor patay sa Covid-19, health worker nagpositibo

Market vendor patay sa Covid-19, health worker nagpositibo

1574
0
SHARE

Patuloy pa ang lockdown sa Guagua Public Market kasunod ng pagkamatay ng isang market vendor. Kuha ni Rommel Ramos



GUAGUA, Pampanga — Patay ang isang babaeng market vendor sa Guagua Public Maket dahil sa corona
virus habang isang health worker sa rural health unit ang nagpositibo sa virus.

Ayon kay Mayor Dante Torres, Miyerkules namatay ang mahigit sa 40-anyos na babae na tindera ng karne ng baboy at manok sa kanilang pamilihang bayan na kamakailan lamang nagpositibo sa Covid-19

Aniya, hirap sila sa pagsasagawa ng contract tracing sa mga nakasalamuha ng biktima dahil mula sa kalapit na bayan ng Lubao, Sta. Rita, at Sasmuan ang namimili sa kanilang pamilihang bayan.

Dagdag pa dito ang mga namimili maging ang mula sa bayan ng Dinalupihan sa Bataan.

Aniya, hanggang ngayon ay nagsasagawa pa rin sila ng contract tracing at panawagan niya sa mga namimili sa kanilang palengke na kung may nararamdaman na sintomas ay kusa nang magpa-swab test.

Ayon pa kay Torres, nasa isolation facility na ang mga pamilya ng market vendor bilang bahagi ng protocol at hinihintay pa nila ang resulta ng swab test at wala namang sintomas ang mga ito.

Kasunod ng pagkamatay ng market vendor ay ie-extend nila ang lockdown sa palengke.

Samantala, nagpositibo sa virus ang isang health worker ng RHU kayat inilockdown din kahapon ang kanilang RHU.

Ang health worker ay dadalhin nila sa isang ospital para sa kaukulang medical treatment.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here