Mark Herras imbiyerna pa rin kay Heart Evangelista

    366
    0
    SHARE
    Although maganda’ng alibi ni Mark Herras kung bakit siya nawala sa taping ng Langit Sa Piling Mo nila ni Heart Evangelista, may ilang nagpipilit na sinadya talaga ni Mark na lisanin ang taping dahil sa matinding inis kay Heart Evangelista.

    Yuu see, hindi raw gusto ni Mark yung unfair treatment ng staff ng teleserye na puwedeng hanggang alas dose lang ang taping ni Heart gayung siya ay hindi. Sa inis nga ni Mark, umalis ng walang paalam at nag-disappear sa taping nila. 

    Pero ang alibi ni Mark, ang kanyang ginawa  was a case of miscommunication, plain and simple.

    Kaagad din siyang ipinagtanggol ang kanyang leading lady, saying there was no other instance in the past in the actor’s already five years in the business na nagluka-lukahan ito. Pero walang kamalay-malay ang aktres na siya pala ang dahilan ng pagsesentimyento ng aktor sa produksiyon.

    Ang tuany ngang himutok ng aktor, bakit merong ganoong preferential treatment ang aktres, gayong pare-pareho lang naman silang nagtatrabaho?

    Silently, ito ang ipinaghihimagsik ng kalooban ng young actor, hence, his “mystery-shrouded disappearance” na ikinaloka siyempre ng production staff.

    Balita nga namin, hindi pa rin ganun ka-normal ang takbo ng taping ng Langit sa Piling Mo dahil nga halatang inis pa rin hanggang ngayon si Mark kay Heart. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here