Matutuwa si Aga Muhlach dahil concerned sa kanya at sa resulta ng bilangan sa 4th district ng Camarines Sur ang mga kaibigan niya sa movie industry.
Isa na rito si Mark Anthony Fernandez na nakausap namin sa last taping day ng Afternoon Prime na Bukod Kang Pinagpala.
Sabi ni Mark, ang mga katulad nina Aga at Richard Gomez ay dapat nananalo dahil alam niyang malaki ang maitutulong sa mga tao kung saan sila tumakbo dahil may real concern bukod pa sa mababait at mga guwapo.
Dapat daw ay ibinoto ang dalawa.
Nalulungkot din si Mark na natalo si Joey Marquez dahil alam niyang gusto rin nitong makatulong, pero hindi pinalad sa pagtakbong congressman sa Parañaque.
On the other hand, natutuwa ito para kay Alma Moreno na muling nanalong councilor sa Parañaque rin.
Sinuklian daw ng mga botante ang hirap at pawis ng ina sa pangangampanya. Binati niya si Alma sa text at nag-donate siya ng sombrero sa kampanya nito.
As for Mark, wala itong planong pumasok sa politics, sa showbiz na lang siya at tumutulong din naman siya sa nangangailangan.
Thankful siya dahil patuloy na binibigyan ng project ng GMA Network, kaya nakakatulong sa mga lumalapit.
Anyway, sa June 7 ang finale ng Bukod Kang Pinagpala at malalaman na kung kanino mapupunta ang anak niyang si Lara (Mona Louise Rey).
Gusto ng aktor ang story ng soap dahil tungkol sa pamilya at anak.
After this, magpapahinga muna si Mark ng one and a half months para magpapayat dahil tumaba siya bago tumanggap ng bagong project.