Mark Anthony ayaw makaagaw ng eksena sa anak

    261
    0
    SHARE
    Dumating din si Mark Anthony Fernandez sa premiere night ng The Love Affair.

    “Anak ko po kasi, tita, si Grae (Fernandez),”aniya nang batiin natin. “Hindi ko papalampasin ang sabi nila na biggest break ng anak ko sa pelikula.

    Gumanap si Grae bilang bunsong anak nina Richard at Dawn. Nakatatandang kapatid naman ni Grae sina Jane Oineza at Manolo Pedrosa.

    Totoong iniyakan ng madlang pipol ang breakdown scene ni Grae nang malaman niyang magkakahiwalay na ang kanyang Papa at Mama.

    Hindi na kinailangan ni Grae ang pagpatulo ng luha, dahil, sa kunot ng noo at garalgal ng boses niya ay nadama ng lahat ang sakit ng kanyang damdamin.

    Kinausap namin si Grae after the premiere night habang dinudumog siya ng mga tagahanga.

    “Nauna na pong umalis sa akin si Dad,” aniya patungkol kay Mark. “Niyakap po niya ako nang mahigpit pagkatapos mapanood ang eksena. He was so proud of me. He told me to keep it up. Ayaw din daw niyang maagawan ako ng eksena, kaya umalis siya agad. Proud na proud din ako sa kanya. His presence tonight is more than enough po to make my evening complete. But I’ll try to impress him more in my future projects.”

    Incidentally, napapanood din si Grae sa teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo,” na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

    Magkaibigan ang role nila ni Juan Karlos Labajo (mula sa The Voice Kids) at pareho silang nali-link kay Andrea Brillantes na nagdadalagita na ngayon.

    Member din si Grae, kasama si Nash Aguas, ng Gimme 5 boy band na mabilis na sumisikat ngayon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here