Anumang pilit na pagpapaamain kay Marion Aunor tungkol dun sa isyung nagkakamabutihan na sila ni Michael Pangilinan, walang mapiga ang press sa kanya.
Ito ay sa victory party ni Marion dahil sa kanyang pananalo bilang Best New Female Personality sa larangan ng musika. Ani Marion, kaibigan lang daw niya si Michael at wala ng iba pa.
“Actually nagsimula lang yang ganyan nang sabay kaming mag-guest sa Kris |Tv to promote Himig Handog.
Pabioeiuto raw ni Ate Kris ang Give Me A Reason, kaya pina-duet sa amin ni Michael. It turned out nagandahan si Ate Kris sa rendition namin kay simula noon ganyan na. Pero wala po talaga, we’re just parang kinakapatid ko siya.
Although he is guwapo, wala po kaming something talaga, he’s not my crush but I welcome a musical relationship with him. Ok sa akin yung pagtambalin kami musically,” mahabang sangga pa ni Marion.
At her age now, hindi na bago kay Marion ang pag-ibig. Pumag-ibig na raw siya sa nakaraan but she fell with the wrong guy. Sa ngayon, naka-move on na siya but is more discerning when it comes to falling in love.
“Alam ko na po exactly what I want in a guy. Marami na po akong specs na hinahanap and I will only fall in love if these specs are present in a guy,” sabi pa niya. Marami naman daw siyang masugid na manliligaw but none of them exacts her specs. “Wala po talaga, I shall never allow to be girlfriend of someone I don’t really like.”
Showbiz crush daw ni Marion sa ngayon si Matteo Guidecelli. Ayon kay Marion he finds Matteo cool at talaga naman daw maalalahanin ito. Isa pang crush ni Marion ay si Piolo Pascual. Kahit sa gender isyu ni Piolo, hindi naman daw siya apektado. “Nevertheless, he is still guwapo, cool din kaya gusto ko siya,” paliwanag pa ni Marion.
When it comes with her singing career, determined na raw itong ipagpatuloy ito. Ito na raw ang kanyang buhay kaya ditto na niya gustong makipagsapalaran.
Okey din daw sa kanya na maging aktres. Kung bibigyan daw siya ng pagkakataon, hindi talaga niya ito palalampasin.
So there!